Abante Tonite Interactive

Shortage ng kama sa ospital ipasasalo sa DOH

By
2,199

Isinusulong ni Senador Sonny Angara ang panukalang ipaubaya na sa Department of Health (DOH) ang pagdaragdag ng bed capa­city sa lahat ng pampublikong ospital upang masolusyunan ang kakapusan ng mga higaan sa mga pampublikong pagamutan.

Ipinaliwanag ni Anga­ra na sa kasalukuyang sistema, kinakailangan pa ng batas para itaas ang bilang ng higaan ng mga ospital ng DOH at mai-upgrade ang kanilang service capability.

Labis itong ikinababahala ni Angara dahil nabibigyan ng limitasyon ang access sa medical at health services.

“This bill seeks to authorize the Department of Health to administratively determine and approve the bed capa­city and service capabi­lity of all DOH hospitals as necessary. The DOH has the capacity and expertise to assess gaps in service delivery,” giit ni Angara.

Sa ngayon, nasa 70 ang DOH-retained public hospitals kung saan 53 ang general hospitals, 14 ang specialty hospitals, dalawa ang infirmaries at isa ang psychiatric facility.

Binigyan-diin naman ni Angara na ma­yorya ng mga pagamutang ito ay kapos sa hospital beds.

“The mismatch in bed occupancy, compounded by insufficient manpower, will not be able to sustain the growing health needs of the populace,” giit pa ni Angara.