Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shotgun pinaglaruan, 10-anyos napatay ng kapatid

0 226

Patay ang 10-anyos na batang babae sa Lutayan, Sultan Kudarat nang aksidenteng masapol ng kanyang 7-anyos na nakababatang kapatid gamit ang improvised shotgun na kanilang pinaglaruan.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan dahil sa isang tama ng bala sa dibdib ang biktima na nakilalang si Angel Bliss Putotan Angcon, grade 4 student at residente ng Purok Pag-Asa Brgy. Palayila.

Naganap ang insidente alas-singko Miyerkoles ng hapon nang makita ng magkapatid ang homemade shotgun sa kubo ng kanilang sakahan sa Sitio Makopol sa nabatid na barangay.

Hawak ng 7-anyos ang baril nang bigla itong pumutok at tumama ang bala sa dibdib ng kanyang ate.

Nasa ‘di kalayuan ng kubo at nangangahoy umano ang ina ng mga bata kasama ang kanilang stepfather nang makarinig ang mga ito ng putok. Nang puntahan, tumambad sa kanila ang 10-anyos na anak na naliligo sa sariling dugo.

Giit ng pulisya, mananagot sa insidente ang may-ari ng baril dahil sa kapabayaan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.