Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Show ni Alden balik-tv na

0 230

Dalawang linggo na lang at mapapanood na muli ang pasiklaban ng aspiring Bida Kids sa singing competition ng GMA Network na ‘Centerstage’!

Samahan ang hosts na sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Kapuso comedian Betong Sumaya, at judges na sina Concert Queen Pops Fernandez, Soul Diva Aicelle Santos, at musical director Maestro Mel Villena sa kapana-panabik na pasiklaban ng aspiring young singers.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Excited na ang mga netizen at usap-usapan na sa social media ang pagbabalik nito. Talagang nabitin daw kasi ang mga manonoood nang matigil ang show last year dahil na rin sa COVID-19 pandemic.

Kaabang-abang ang comeback ng programa lalo na’t ibibida na ng Centerstage ang makabago nitong virtual set! Para sa kaligtasan kasi ng mga contestants at production team, wala pa ring live audience at ishu-shoot ang kanilang performances sa kani-kanilang mga bahay.

Kaunting antay na lang at mapapanood na ang mas pinabonggang ‘Centerstage’ sa GMA-7 ngayong Pebrero 7 na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.