Abante Tonite Interactive

Show ni Lee Seung Gi pumalo ng 9.9% rating

0 189

Nagkatotoo ang wish ng Triple Threat Star na si Lee Seung Gi sa ra­tings ng bago niyang variety show na “Little Forest” sa SBS.
Kilala si Seung Gi bilang “Rating King” lalo na’t sa loob ng isang dekada, ang ginawa niyang drama na “Shining Inheritance” ang may hawak pa rin na top highest rating drama.

Tinanong noon si Seung Gi ng press kung anong rating ang gusto niyang makuha sa pilot ng “Little Forest”.

9.9% ang sinabi nito. Tila kinabahan naman ang Produ­cing Director dahil mukhang wala raw ideya si Seung Gi na ang Monday-Tuesday time slot sa mga drama ay mababa lang palagi ang naitatayang viewer­ship.

Nagdilang-anghel ito dahil pumalo sa 9.9% ang rating na pinaka-peak nito.

Ang nationwide viewership ra­ting sa part 1 ay sumampa ng 5.1% at 6.8% sa part 2. Ang Seoul viewership rating naman ay part 1, 5.3% at part 2, 7.5%.

Dahil dito, ang pilot ng “Little Forest” ay nagtala na ng pagiging number 1 hindi lang sa time slot nito kung hindi ma­ging sa lahat ng drama at variety show na ipinalabas noong Lunes.

Napabilib naman ni Seung Gi hindi lamang ang mga tagahanga niya, maging ang mga netizen sa sobrang kabisihan niya. Nagawa pa niyang mag-aral at magkaroon ng psychological counse­ling certification for children. May ID nga ito na ipinakita bilang patunay.

“I had heard about views on education and environment for children, but in reality, the most important thing was physical endurance. It’s important to do things and inform them of my good experiences, but children think a lot on their own and they also have very refreshing, original thoughts. I thought about how ta­king good care of them would come first if I have a family and children of my own.”

Sabi pa niya, “I obtained it because I thought that the parents might be worried. It’s probably worrisome that celebrities are ta­king care of their children.”

Bukod kay Lee Seung Gi at mga bata, kasama rin sa “Little Forest” sina Lee Seo Jin, Park Na Rae at Jung So Min.

Anyway, nakatakdang dumating si Seung Gi sa kauna-unahang fan meeting nito sa bansa sa October 12 sa KIA Theater.