Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Showbiz couple binenta ang nakasanlang bahay

0 208

Ibinebenta na pala ang bahay na pinagsaluhan sa kaligayahan ng isang showbiz couple na nagdesisyong maghiwalay na. nakasangla pa sa bangko ang propyedad pero konting-konti na lang ang halagang hindi pa nababayaran.

Binili ng male personality ang nasabing bahay nu’ng hindi pa sila magkarelasyon ng female personality na unang nagbunyag sa social media na meron silang pinagdadaanan ng kanyang mister.

Kuwento pa ng aming source, “Nu’ng magsama na sila, umalis sa house ng male personality ang mommy niya at mga kapatid. Ayaw kasi ng girl na may iba silang kasama sa house.

“Nakiusap ang male personality sa mommy niya at mga kapatid na lumipat na lang ng tirahan. Ganu’n niya kamahal ang girl na privacy nilang mag-asawa ang idinadahilan.

“Lumipat sa apartment ang nanay niya at mga kapatid, napakaliit ng lugar, kaya ang kapatid niiyang nag-aartista rin, e, sa sofa lang natutulog,” kuwento ng aming impormante.

Ibinebenta na ngayon ang property, plano ng pamilya ng aktor na sila na lang ang bumili, para makalipat siya ng bahay. Bagong bahay, bagong kapaligiran, mas magiging mabilis ang paglimot niya sa kinahinatnan ng kanilang relasyon ng girl.

Patuloy ng aming source, “Kaya nga nakakagulat ‘yung kuwentong lumabas na ang girl na lang daw ang gumagastos nu’ng nagsasama pa sila ng male personality.

“Tinamad na raw kasing magtrabaho ang guy, hindi na nakatutupad sa mga obligasyon niya. Napakalayo nu’n sa katotohanan. Maayos ang estado ng family ng lalaki, makapapayag ba naman silang hindi suportahan ang kanilang kapamilya?

“Ang bait-bait ng guy, naiipit na siya sa sitwasyon, siya ang sinisisi sa hiwalayan nila, pero ni hindi siya nagsasalita para ibigay naman ang panig niya.

“Ganu’n niya nirerespeto ang ex niya, di bale nang siya ang sisihin ng buong mundo, hindi niya pa rin sisirain ang image ng ina ng mga anak niya!

“Mari-realize din ng girl isang araw na wala nang lalaking makapagmamahal sa kanya ng ganu’n katindi, sa totoo lang!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

Raffy P25M kinikita sa YouTube

SM SuperKidsDay Banner Ad

Apat na palapag ang ipinatatayong bahay ng matapang pero mapusong news anchor na si Raffy Tulfo. Malaking problema ang nakaengkuwentro nila ng kanyang misis na si Congresswoman Jocelyn nu’ng kinailangan na nilang maglipat ng kanilang mga kagamitan dahil sisimulan na ang gusali.

Tatlong iba-ibang lugar ang kinuha nila para mapaglagyan nang sangkatutak nilang kagamitan, ‘yun ang ginawa nilang bodega, meron na lang sila itinalagang bantay.

Sobra-sobrang biyaya ang tinatanggap ni Kuya Raffy sa matatagumpay niyang programa sa TV5 at Cignal One PH. Sumabay pa ang milyun-milyon niyang tagasuporta sa kanyang mga accounts.

Ayaw lang niyang sabihin ang eksaktong buwanan niyang tinatanggap mula sa kanyang YouTube Channel at sa iba pang accounts na may dalawampung milyon nang followers.

Pero may nakapagbulong sa amin, “Payat na payat ang 25M na tinatanggap niya sa YouTube pa lang! Monthly ‘yun, ha? E, paano pa ang mga endorsements niya, ang talent fee niya sa mga news programs niya?

“Kahit ilang palapag na building, e, kayang-kaya niyang magpatayo. Panahon ngayon ni Raffy Tulfo, walang makakokontra du’n!” sabi ng aming source.

Maraming nang-uusisa sa amin kung papasok ba siya sa mundo ng pulitika dahil sa malaking serbisyong ibinibigay niya sa mga problemado nating kababayan?

Siya kasi ang pinipilinig pagsumbungan ng mga Pilipino dito at sa iba-ibang bansa man dahil mabilis ang kanyang aksiyon.

Natatawang komento ng sikat na news anchor, “Ayokong malimitahan ang mga galaw ko. Kapag pumasok ako sa pulitika, sisilipin ang lahat ng mga ginagawa mo.

“Kapag nag-business class ka, ang sasabihin, pera ng bayan ang ginastos mo, kaya kailangang mag-economy ka na lang. Mag-shopping ka, may magsasabing pera ang bayan ang ginagamit mo.

“Kaya hindi, ayokong paliitin ang kalayaan ko. Ayokong binabantayan ang mga galaw ko,” natatawang komento pa ng mapusong broadcaster.

Leave A Reply

Your email address will not be published.