Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Showbiz couple problemado

0 220

Hindi mahilig sa publisidad ang isang kilalang male personality. Lalong hindi niya ilalagay ang kanyang personal na buhay sa gitna ng mga isyu para lang siya mapag-usapan.

Responsable siyang family man. Lahat ay ginagawa niya para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga mahal sa buhay. Sinasaluduhan ng marami ang male personality dahil maging hindi niya kadugo ay minamahal niya.

Kuwento ng aming source, “Ano kaya talaga ang nangyari sa relasyon nilang mag-asawa? Kapag kasi nasanay ang publiko na palagi silang nagpo-post ng masasayang pangyayari sa buhay nila, e, madali nilang nalalaman kapag nagkakaroon ng problema ang magkarelasyon.

“Like silang mag-asawa, nalalaman ng mga kababayan natin ang mga nangyayari sa personal nilang buhay through their posts, pero bakit kaya biglang nagkaroon ng mga pagbabago sa relasyon nila?” nagtatakang unang sultada ng aming impormante.

Natural lang na mag-isip ng mga dahilan ang marami, hindi pa man umaamin ang mag-asawa na meron silang problema, nauuna na ang mga duda ng marami kung bakit biglang may ipinagbago ang kanilang sitwasyon.

Patuloy ng aming source na takang-taka na rin, “Hindi kaya ang naging problema nila, e, ‘yung past ng girl kung saan siya nagkaanak sa isang male personality?

“Kasi nga, ang dating ng kuwento, e, pinabayaan na ng father niya ‘yung bagets. Natural, hindi naman puwedeng basta ganu’n na lang ‘yun, di ba? Magiging mitsa pa rin ng argumento nila ‘yun! Pero sabi, nagsusustento raw naman ‘yung tatay ng bata dahil kinasuhan nga ng girl,” sabi ng aming impormante.

Pero hindi nawawalan ng trabaho ang male personality, magaling kasi siyang artista, puwede siya sa comedy at napakagaling niya sa drama.

“Ang maganda lang sa kanila, e, hindi nila itinitinda ang buhay nila sa publiko, walang nagsasalita sa kanila, walang confirmation kung totoo bang problemado sila ngayon.

“Malay natin, baka gusto lang nilang ma-miss ang isa’t isa? Baka gusto lang nilang bigyan ng space ang relasyon nila? Konting-konting panahon na lang ang hihintayin natin, konting-konti na lang, baka magsalita na rin sila para linawin ang issue,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Willie iikot na sa probinsya

Mukhang may plano na ngang magpalipat-lipat ng lugar si Willie Revillame para sa live telecast ng kanyang game show na Wowowin-Tutok-To-Win.

Nagpapagawa na siya ng OB-van, ang ginagamit ng mga produksiyon sa taping at shooting, kumpleto ‘yun sa lahat ng kagamitan para sa komunikasyon.

Daang milyon ang alam naming halaga ng OB-van, napakalaking pakinabang nu’n sa mga SNG (Satellite Network Gathering), parang nasa studio na mismo ang coverage kahit nasa labas ang team.

May mga nagtatanong tuloy kung pinaghahandaan na ba talaga ni Willie ang pagpasok niya sa pulitika? Kung magpalipat-lipat siya ng probinsiya para sa kanyang programa ay para na rin daw siyang nangangampanya.

Puwedeng isipin ang ganu’n dahil bawal ang pangangampanya sa eleksiyon sa susunod na taon. Bawal kumamay, bawal yumakap, dahil sa social distancing.

Sabi ng isang kaibigan namin, “Nasa social media ang labanan next year, kaya kung makakauna si Willie sa pagdalaw sa maraming probinsiya at du’n siya mamimigay ng tulong, malaking advantage na niya ‘yun!”

Lahat ay ginagawa ni Willie para hindi matigil ang pamimigay niya ng ayuda sa ating mga kababayan. Nasa Puerto Galera ngayon ang buong produksiyon, napakaganda ng lugar, kaya nakiusap ang kanyang staff na kung puwede ay du’n na muna sila nang mahaba-habang panahon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.