Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Showbiz nagluksa kay Cherie

0 133

Nagluluksa ang showbiz dahil sa pakikiramay sa magaling na aktres na si Cherie Gil, 59. Ayon sa balita lumaban umano ito sa sakit .

Ilang sa celebrity na nag-post ng pagdadalamhati ay sina Annabelle Rama at Lara Morena.

“Cherie Gil just passed away at 5PM today please pray for her,” tweet ni Annabelle kahapon, August 5. “RIP Cherie Gil.”

“You were and are still an inspiration to all, with a heart that radiated love and warmth through all our lives. You will truly be missed and forever remembered. Even in death you are still loved and forever will be. Rest In Peace Ms. Cherie Gil,” saad naman ni Morena sa isang FB post.

Kinilala si Cherie bilang “La Primera Contravida” ng Pinoy showbiz. Huling serye na nagawa niya ay “Legal Wives” sa GMA 7.

Tumatak din siya sa linyang “You’re nothing but a second-rate, trying hard, copycat!” bilang Lavinia Arguelles sa pelikulang Bituing Walang Ningning na pinagbibidahan ni Sharon Cuneta.

Ang pagpanaw ni Cherie ay kinumpirna ni Sid Lucero sa GM A News Reporter na si Lhar Santiago. (ART)

Leave A Reply

Your email address will not be published.