Abante Tonite Interactive

Shower scene ni Richard inaasam

0 423

Ang diva that you love, first time na makapanayam ang super charming na si Ri-chard Yap. Sure naman ako na alam na alam niyong kasali na siya sa top rating afternoon drama sa Dos.

Kuwento ni Yap tungkol sa kanyang bagong challenge: “Well, what I like about Leon is that he is totally different from the roles na I am so identified with. He is medyo rough. Hindi siya sobrang mayaman, saktong middle class lang. Something new siya para sa akin. It is a welcome change.”

Sa aming panayam, dalawang araw pa lang ang kanyang naging taping days. Pag-amin niya, kinakapa pa lang niya ang kanyang karakter kung magiging kaaway siya o kakampi.

“Wala naman akong second thought when they offered me,” pagtatapat ng papable papa.

“Ang lambing ko lang, na they give me some time na makapagpapayat. I gained about 12 pounds during my campaign. Nine months akong nawala sa showbiz.”

Parang wala naman siyang poundage na gained, huh! Guwapong-guwapo pa rin. At sa true lang, wala siyang facial pores. Ang kinis!

Obviously, marami ang naka-miss sa kanya sa telebisyon. Maigting ang palakpakan noong tinawag na ang pangalan niya. Ano ang reaksyon niya rito? Ang sagot ni Richard, “Nakakataba ng puso. What a grand welcome. I feel very grateful na mapunta ako, na mapasama ako sa isang show na mataas na ang awareness at appreciation.”

Hindi kaya magselos ang mga panatiko nila ni Jodi Sta. Maria sa bago niyang kapareha? Matamis ang ngiti ni Richard bago ang kanyang tugon. Aniya: “I am sure may magseselos. ‘Yung iba may violent reaction. Yung iba nga, umaasa na sana sa ‘Sino Ang Maysala’ ako sumali or a cameo sa ‘Clarita.’ You know, sure namang mauunawaan nila na for Jodi and I, it is healthy to have a new partner. Maganda na nakakapag-experiment kami to work with others.”

Dahil nga likas na maharot ang inyong diva that you love, dahil nga ruggedly handsome at parang maangas ang kanyang katauhan, makakaasa ba kami na isang hapon, eh mapapanood na naming may shower scene na siya? Mas naningkit ang kanyang mga matang Mr. Chinito at hindi napigilan ang pagtawa: “Bakit naman gusto mong may shower scene ako? Hahahaha. May mga teens kami sa show at pang-afternoon ito. Hahahaha.”

Imbestigasyon ng GMA tanggap ng pamilya ni Eddie?

May official reaction na ba ang pamilya ni the late great Eddie Garcia sa investigation report mula sa GMA-7? Sila kasi ang unang pinabasa bago ito isasapubliko.

Makakaasa ba tayong hook, line and sinker, eh katanggap-tanggap sa pamil-ya ni Ginoong Garcia ang kanilang mababasa? Para kay Ms. Lilibeth Moreno at the rest of his family, sariwa pa ang sugat. Nagsusumigaw pa ang mga alaala.

Ang kanilang mga tanong kaya, lahat ay may sagot sa ulat mula sa network na huling pinagtrabahuhan ni Sir Eddie?

Paano kung ang ulat, para sa pamilyang nangungulila sa dakilang artista eh hindi sapat? Na nu’ng ito’y kanilang binasa, pinagnilay-nilayan, tinimbang, kulang ito at hindi nila ikinalugod ang nilalaman?

Hanggang saan nga kaya aabot ang usapin lalo na kung hindi sila nasiyahan sa resulta ng ulat? Kung sila naman ay satisfied rito, mas mainam para naman ang publiko, malaman na rin ang nilalaman nito.

KC kinutya sa katabaan

Super relate ang diva that you love kay KC Concepcion lalo na ‘pag may nanlilibak sa kanyang real women have curves figure. Sa true lang, kahit gandang royalty si Kristina, marami pa rin ang walang preno ang mga bibig sa pagkutya sa kanyang pagiging all woman voluptuousness.

Kamakailan, may isang follower si Concepcion na wala yatang brewed coffee na nilalaklak sa kanilang bahay kaya walang nerbiyos na nagpakawala ng kudang ganito: “Ang taba na ni KC.”

Ang kudaera, parang kagandahan eh she is as common looking as the peasants who go to the talipapa on a daily basis at ang binibili lang naman ay isdang maliliit o kaya ang national staple niyang sardine with matching instant mami, pancit canton at 3-in-1 coffee. My gosh! Charot! Hahahaha.
Ang reaksyon ni Prinsesa Kristina Cassandra sa hitad: “Hi dear, will you cheer for me or bash mo pa rin ako?”

Sumagot naman ang hitad, “cheer” niya si Concepcion ‘pag pumayat na. Iba rin ang pagka-feelingera niya, ‘di ba? Parang siya ang mas may maalam kung ano ang nababagay na figure sa mega-daughter, huh.

May mga babae naman na deliciously plump, big boned and curvy at walang masama if you embrace your body tape. Wala namang duda na KC eats healthy and well at hindi porke Boticelli f­igured ka, ibig sabihin may disorder sa katawan ka or may eating problem.

Some people talaga can be very insensitive and impose on their perfection standards sa ibang tao. Huwag ganu’n. ‘Pag payat, adik agad-agad! ‘Pag mataba, masiba agad sa pagkain ang kasunod?

Look muna kayo sa mirror and have a showdown with the girl and boy you see, bago kayo pumuna at mamintas.

‘Pag si KC Concepcion ang pumayat at kung totoo ang chikang magiging Kapuso na raw ito, I am sure ginawa niya iyon for herself at hindi dahil she wants to please other people and their perception of her.