Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shugen binakuran korona sa SEAG

0 72

NADEPENSAHAN ni Filipino-Japanese Shugen Nakano ang kanyang korona sa men’s under-66kgs division ng judo event nang malampasan ang Vietnamese judoka sa championship match sa 31st Southeast Asian Games sa Hoai Duc Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.

Nakakuha ng puntos ang 25-anyos na kampeon ng men’s half-lightweight sa 3:07 ng laro sa pamamgitan ng half-point score o waza-ari dulot ng isang modified Kata-Garuma technique upang maungusan ang Vietnamese judoka na si Hoang Phuc Truong na nag-uwi ng silver medal.

Naubos na lamang ang limang minuto ng laro na hindi nakakapuntos ang Vietnamese judoka, hanggang sa makakita ito ng pagkakataon na mahatak ang braso ni Nakano nang pumasok ito ng isang technique para sa arm-lock, ngunit bigo si Truong ng kinulang ang oras nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito na ang ikalawang gintong medalya ni Nakano na nagsimulang sumabak sa biennial meet noong 2017 Kuala Lumpur meet nang magtapos ito sa bronze medal.

Siya ang kakambal ni men’s under-73kgs silver medalist Keisei.

Nakuha naman ni dating two-time UAAP judo MVP mula UST na si Khrizzie Pabulayan ang silver medal finish sa women’s under-52kgs category nang mabigo sa finals kontra kay 2020+1 Tokyo Olympian at 2019 bronze medalist Nguyen Thi Thanh Thuy matapos ma-pin sa ika-2:00 minuto ng laro.

Nahigitan ng 24-anyos na 4-time UAAP champion ang kanyang bronze medal finish noong 2019 edisyon sa Laus Group Event Center sa San Fernando, Pampanga. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.