Abante Tonite Interactive

Shumpert, Fox, Bjelica tinumba ang San Antonio

By
244

Nagbaon ng tiebrea­king jumper si Iman Shumpert 4:05 sa laro, sinundan ng 3-poin­ters nina De’Aaron Fox at Nemanja Bjelica, at kumalas ang Sacramento para paluhurin ang San Antonio 104-99 Lunes nang gabi.

Tinapos ng Kings ang 14-game losing streak sa Spurs.

Tumapos si Fox ng 19 points at 7 assists, may 13 points at 13 rebounds si Willie Cauley-Stein, at umiskor ng 22 si Bogdan Bogdanovic sa Kings.

Buong third quarter na nasa unahan ang Sacramento pero sa dulo na ng fourth naipagpag ang San Antonio.

Kumana ng back-to-back long jumpers sina DeMar DeRozan at LaMarcus Aldridge para itabla ang laro sa 90-90 may 5:11 pa. Nanlamig na ang Spurs pagkatapos, dumating ang tatlong 3s sa stretch na.

Binasag ng 16-footer ni Shumpert ang deadlock. Matapos ibaon ni Fox ang pangatlo niyang long range bomb, kumonekta rin ng isa si Bjelica mula sa labas ng arc. Natapos ang 10-0 run sa alley-oop dunk ni Cauley-Stein.

Kinubra ng Sacramento ang unang panalo kontra San Antonio sapul noong Nov. 15, 2014.

Nagsumite si Aldridge ng 14 points at 18 rebounds, tumapos si DeRozan ng 23 points at 8 assists. Nagdagdag si Rudy Gay ng 14 points at 9 rebounds para sa Spurs.