Abante Tonite Interactive

Shuttlecockers Pantig, Escueta wow sa doubles

151

Sinungkit nina Philip Joper Escueta at Paul John Pantig ang men’s doubles open title habang sina Gelita Castilo at Eleanor Christine Inlayo ang dumale ng women’s doubles open sa kakahampas na 12th Prima Pasta Badminton Championships sa Powersmash Badminton Court sa Makati City.

Nagtulungan ang dalawa para durugin ang dating kampeong sina Peter Gabriel Magnaye at Alvin Morada, 22-20, 21-11, sa finale habang tinumba nina Castilo at Inlayo sina Patricia Barredo at Descka Calimlim, 21-14, 21-11.

Tinabunan nina Anggy Sepdianto at Christian Bernardo sina John Matthew Bernardo at Mike Minuluan, 21-11, 17-21, 17-14, para harbatin ang men’s doubles A title.

Hindi pinaporma nina Jochelle Alvarez at Missy Cervantes sina Dainelle Masongsong at Jellene de Vera, 21-19, 21-11 para sa women’s doubles B diadem.

Nasikwat nina Andrea Abalos at Ghiselle Erica Bautista ang titulo sa girls’ U-19 doubles kontra kina Palma Maria Cruz at Mikaela Joy de Guzman, 14-21, 21-14, 21-14.

Sina Jeno Carino at Nestojan ang Tapales ang naghari sa boys’ U-19 doubles nang idemolis sina Zed Angel Monterubio at Mark Anthony Velasco, 22-24, 21-13, 21-16.

Ang iba pang doubles champions ay sina Joffre Arollado at Christian Bernardo (men’s B), Gilly Chavez at Almira Kristel Ramos (women’s C), Jeff Monton at Nephtali Pineda (men’s C), Myra Francisco at Aiza Pelagio Garcia (women’s D), Mark Lacson at Jeff Monton (men’s D), Erlene Bello at Ma. Luisa Gregorio (women’s D)atbp.