Abante Tonite Interactive

Si ate nagpakamartir sa kataksilan ni bayaw

986

Hello po sa lahat. I’m Brando of Caloocan City. This story is about my sister na hindi ko maubos-maisip kung paano niya nagagawa ang magpakamartir na parang santa. Santa para sa kanyang mga anak at higit po sa lahat, santa para sa kanyang buwisit na mister. Opo bayaw ko nga po ang hinayupak na ‘yun. Talaga pong kumukulo ang dugo naming magkaka­patid sa lalaking ‘yun dahil sa ginawa niyang kataksilan sa ate namin.

Second to the eldest po si Ate Myra sa aming sampung magkakapatid. In fact, half- sister ko lang po si Ate Myra, kapatid namin sa ina. Lima silang magkakapatid sa una, at lima naman kami sa huli. Nakakapika ang nangyari dahil kung kailan nagkaedad ‘yung si Lino (Lino na lang ang tawag namin sa kanya coz he doesn’t deserve res­pect) ay saka pa siya nagloko. Can you ima­gine po, malalaki na ang anak nila ni ate at may mga apo na sila! Eto namang si ate, bistado na ang kalokohan ng asawa ay parang wala lang. Napakalaki talaga ng takot niya sa asawa niya kahit noon pa. Sino ba ang hindi masasaktan at mabubuwisit, eh ang kinalantari po ni Lino eh ‘yun pang isa na­ming pinsan. Noong una nga po ay ayaw pang maniwala ni ate at nagalit pa siya sa amin kung ano-anong tsismis daw po ang ipinagkakalat namin.

Noong huli, napatunayan din niya na totoo nga ang sinasabi namin.

Ngayon, may iba na naman si Lino at ang balita namin ay nasa abroad daw ang asawa ng bago niyang babae. Kapal talaga ng mukha niya at ang ate ko naman ay tanggap na niya ang ganu’ng kapalaran niya.

Kung sobrang magrerebelde kami sa nangyayari ay sobrang kahihiyan din sa mga tao ang aabutin ng angkan namin dahil sa kawalanghiyaan ni Lino.
Brando ang inyong lingkod