Abante Tonite Interactive

Si BF kasi

333

TURNING POINT
Ramil D. Cruz

Isa ako sa labis na nagulantang at nadismaya sa inasal sa nakalipas na dalawang linggo ni 2016 Rio de Janeiro Olympics weightlifting silver medallist at 2018 Jakarta-Palembang Asian Games gold winner Hidilyn Francisco Diaz.

Nagsimulang kargador ng tubig sa sinila­ngan niyang Zamboanga City ngayo’y isang tunay na milyonarya na ang 5-footer, 28-anyos na lifter dahil sa milyo-mil­yones ng mga nakuhang insentibo sa kanyang mga tagumpay sa iba’t ibang mga paligsahan.

‘Rags to riches’ ang istorya ni HDF.

Na magandang pamarisan ng kapwa niya mga national athlete. Kaya dapat maging huwaran o modelo talaga siya ng mga atleta.

Nitong Mayo 30 sa isang mala-kapihang talakayan, nanawagan siyang kailangan niya ang tulong-pinansiyal ng mayayamang indibidwal at kompanya para sa kampanya niya sa malamang huli na niyang malaking laban, ang 32nd Summer Olymopic Games sa Tokyo, Japan sa 2020.

Ilang araw lang ang pagitan, nag-post siya sa gayang isyu gamit naman ang socmed.

Lumilitaw na napapabayan siya ng Philippine Sports Commission sa pangunguna ni Chairman William Ramirez.

Buti ‘to the rescue’ si former PSC chair Aparicio na binuking ang pinagsisintir ni Hidilyn. Gusto lang pala niyang pasuwelduhin ang dyowa niyang Guaminian ng US$1,900 para maging parte ng ng Team Diaz.

Klinaro ni Ramirez na si Hidilyn din ang may pinakamalaking sahod sa hanay ng mga national player sa lahat ng sports. May P45,000 monthly allowance, P25,000 condo rental bukod pa ang binaba­yad ng PSC sa coaching­ staff, nutritionist at iba pa.

Isang kamalditahan ang ginawa ni Diaz. Malinaw na ikaw na ang prima donna ng PH sports.

‘Di ako magtataka na ang pagsadya mo sa PSC sa nakalipas na linggo’y nangangahulugan na sinabon ka ng military mother unit mo sanhi ng mga kapalpa­kan mong hakbang dahil lang sa boyfriend mo.

Buti ‘di ka binigyan ng disciplinary action ng PSC at Philippine Air Force.