Abante Tonite Interactive

Si Boss at ako

293

Napanaginipan ko ang boss ko. Ang weird sa panaginip ko ay may nangyari raw sa amin ng boss ko. Hindi ko naman nakita sa pana­ginip ko ang pangyayari pero sa pana­ginip ko ay magkatabi raw kami ng boss ko sa kama kaya alam ko raw na parang may namagitan sa amin. Nagtataka ako dahil wala naman akong na­raramdamang atraksyon sa boss ko at talagang trabaho lamang ang relasyon namin. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

 
Bagama’t mahirap tanggapin ang ganitong klaseng pana­ginip, isa rin ito sa itinuturing na “common dreams”. Bagama’t nag-iiwan ng hindi magandang ­feeling ang ganitong panaginip dahil parang nalagyan ng malisya ang pakikitungo mo sa boss mo, wala ka namang dapat ­ipangamba dahil hindi naman ­nangangahulugan ito na may iba ka ngang interes sa boss mo.

Sa halip, ang ganitong uri ng panaginip ay kadalasang walang indikasyong sekswal sa halip ay ikinokonek sa “power” na sinisimbolo ng iyong boss sa aktuwal na buhay. Ang iyong boss ay simbolo ng power at isa sa mga tao na tinitingala mo. Ang iyong panaginip ay maaaring may kinalaman sa inaambisyon sa iyong career. Sa halip na sa boss mo, sa “power” na sinisimbolo ng iyong boss ka nakakaramdam ng atraksyon.

Abante Hiring – IT dep

Alam natin ang sarili nating kakayahan kaya naman minsan ay nasasabi nating mas magaling pa tayo sa boss natin, nagkataon lamang na sila ang nasa posisyon. Dahil maaaring sa iyong subconscious ay may ganito kang iniisip, napanaginipan mong merong namagitan sa inyo ng boss mo.

Related Posts

Tanungin ang iyong sarili, may mga ­pagkakataon bang hindi ka sang-ayon sa mga nagiging desisyon ng boss mo at sa tingin mo ay mas naging okey ang resulta kung ang ideya mo ang ­nasunod? Maaaring feel mo na kaya mong maging boss o kaya’y kaya mong higitan pa ang iyong boss. Kung may ganitong kang iniisip sa boss mo, hindi kataka-taka ang napanaginip mo dahil deep inside ay ­hinahangad mo ang power na taglay ng boss mo.

Maaari naman na marami kang ­hinahangaang qualities ng boss mo na gusto mong maging taglay ng partner mo o magiging karelasyon mo kaya kahit wala kang pisikal na interes sa kanya, sa panaginip mo ay may intimate kayong relasyon.

Sa kabuuan, walang masamang mag-ambisyon na maging boss pagdating ng tamang panahon. Ang iyong pana­ginip ay hindi dapat ipangamba. ­Ituloy lamang ang magandang ­pagtatrabaho at lahat ng pangarap mo ay magkakaroon ng katuparan.

***

DISCLAIMER: Ang DREAM ­CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.