Abante Tonite Interactive

Si classmate bigtime na dahil sa droga

0 138

Hi to all, sa mga follower ng Kapitbahay mo, i-blind item mo. I have tsismis about my classmate, itago na lang natin siya sa name na Ike. Irregular student, matagal na rito sa university pero ‘di pa rin guma-graduate.

Paano gaga-graduate eh ‘di naman pag-aaral ang inaatupag niya, kundi illegal business. Alam n’yo po ba kung ano? Nagbebenta lang naman siya ng illegal drugs sa mga estudyante dito.

Ang tsismis, before ay marijuana lang ang binibenta ni Ike, kasi mas affordable ito sa mga estudyante. ‘Yung marijuana niya, nanggaling pa ng Sagada kung saan may kontak siyang seller doon.

Dito sa Recto sa mga tamba­yan ng mga estudyante siya madalas umiikot. Sa mga bilyaran at bar siya madalas nakakabenta kaya patok ang business niya.
Hindi naman siya nahuhuli ng mga pulis eh kasi meron palang siyang mga kaibigang pulis na nagtitimbre sa kanya. Bale mga business partner pala itong pulis kaya tuloy-tuloy lang ang ope­ration nila.

Dahil maraming nang kontak si Ike na mga estudyante, mula sa marijuana, isinunod na niya ang pagbebenta ng shabu. Pati-tingi lang, paisa-isang gramo lang hanggang sa lumaki.

Dito na siya kumita ng malaki kaya naman meron na siyang car ngayon. Kaya nga pasulpot-sulpot na lang siya sa klase namin kasi sobrang busy sa pagbebenta.

At dahil marami na siyang buyers, nire-recruit niya ‘yung classmate niyang si Jude, na isang addict na rin ngayon na tulungan siya sa kanyang negosyo. Eh mukhang kakagat si Jude, malaki raw kasi ang kita.

Kaya rito sa campus, marami nang addict dito. At ang source, wala nang iba kundi si Ike. Sayang si Ike, matalino pa naman, kaya lang iba ang gusto buhay, easy money ang gusto niya.

‘Di ako magtataka kung isang araw, mabuking ang illegal business ito.
Hanggang dito na lang and thanks sa pagpansin sa aking chika.
Tonying of Sampaloc, Manila