Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Si Cory at ang mahjong

0 122

Gigil na gigil ang mga Carmelite Sisters ng Cebu sa mahjong scene ng ‘Maid in Malacañang’ o MIM movie dahil umano sa pagbabaluktot ng nasabing pelikula sa katotohanan. Naglabas pa ng official letter ang superiora ng kumbento ukol sa isyu kahapon.

Ayon kay Sr. Mary Costillas, Prioress ng Carmelite Monastery, ang nasabing pelikula ay “malicious attempt to distort history.” Nag-viral kasi sa internet ang eksena na nalalaro ng mahjong si Cory kasama ang mga mongha noong kasagsagan ng rebolusyon.

Sabi ni Mother Castillas, ‘reprehensible’ o kasisisisi ang pasaway na gumawa ng tagpo dahil sa suhestiyon nito na habang nagkakagulo ang bansa noong 1986 EDSA People Power Revolution, nakuha pa umano nila magsugal sa loob ng kumbento kasama ang nakisilong na biyuda.

Giit ng madre, “The truth is that we were then praying, fasting and making other forms of sacrifices for peace in this country and for the peoples choice to prevail.” Wala man lang daw ni isa sa production team na dumalaw sa monasteryo at nagtangong kung ano talaga ang nangyari noon.

Dahil dito, pinutakti ng puna si Direk Darryl Yap at cast ng pelikula dahil sa angal ng mga madre. Tugon ng direktor, balak pa nga niya ilabas ang part 2 at 3 ng pelikula. Samantala, nagreact na rin ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa umano’y attempt na rebisahin ang kasaysayan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ano nga ba ang katotohanan? Una, nagmamahjong talaga ang dating Pangulong Cory. Libangan nila ito ng mga kaibigan na dumadalaw sa 25 Times Street, Quezon City. Kapitbahay namin sila noong nasa West Triangle pa ang Formation House namin bilang mga seminarista.

Malaki ang utang na loob namin sa Pamilya bilang benefactors ng aming seminaryo sa Tarlac. Pero, yung idamay pa ang mga inosenteng madre ni Tita Cory sa mahdyungan ay labis na kasinungalingan. Bilang mga pari at madre, bawal sa amin magsugal o pumasok saan mang kasino!

Isa pa, mga mongha ang dinamay sa pelikula at wala ang mahjong sa recreation schedule ng monasteryo kung saan karamihan sa mga miyembro ay ni hindi marunong humawak o maglaro ng baraha, tapos mahjong pa?! Konting respeto naman sa mga alagad ng Diyos.

Nakikisimpatya tayo sa mga Carmelite Nuns ng Cebu. Ipagdasal po natin ang gumuguhong respeto, delikadesa at banal na takot sa Diyos sa ating bansa— bagay kung bakit nagkakaroon ng mga magugulong rebolusyon. Nawa mamagitan ang mga pintakasi ng Carmel sa Langit sa mga monghang nilapastangan ng MIM.

Leave A Reply

Your email address will not be published.