Abante Tonite Interactive

Si Ponga ang salarin

By
1,506

Kabilang ang inyong abang lingkod sa maraming nanghihinayang sa sapilitang pag-alis ni Marella Vania Salamat sa national cycling team na kakampanya sa papasok na buwang 18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia.

Puwersado siyang hindi pumadyak sa quadrennial Asiad na pepedal sa darating na Agosto 18-Set­yembre 2, kaysa nga naman na mabalewala ang apat na taon niyang pagsusunog ng kilay sa kursong dentistry sa University of the East-Manila.

Matagal na pi­naghandaan ng ating mga pedalpusher ang AG, lalo na ni Sala­mat, ang top lady biker natin sa ilang taon na rin.

Hindi cycling ang sinimulan niyang sports, kundi bowling­. Lumipat lang siya sa kalsada mula noong 2013.

Agad-agad siyang naka-gold medal sa Singapore 2015 Southeast Asian Games individual time trial at bronze sa Tagaytay City 2016 Tagaytay City World University Cycling Championships.

Sa pag-uusisa ko sa ilang apisyunad­o ng sport, ilan sa kanila tinuturong salarin sa nangyari kay Salamat ay si mismong Philippine women’s cycling team coach Cesar ‘Ponga’ Lobramonte.

Kaya raw naubos ang leave of absence nito’y dahil nasagad sa dami ng kompetis­yong mga nilahukan na kagagawan ni Lob­ramonte. Bukod pa raw sa training.

Kaya naman daw ginusto ni Lobramonte na magbibiyahe lagi dahil sa nakukuha raw na allowanc­e sa Philippine Sports Commission at sa corporate backer ng cycling squad na Corratec bikes.

Gaya sa taon pa lang na ito nakadalawang labas na si Salamat sa Pano­rama Guizhou International Women’s Road Cycling Race sa China noong Mayo, at sa Princess Maha Chackri Sirindhorn’s Cup Women’s Tour of Thailand noong Abril.

Coach Ponga totoo ba ang mga bintang sa inyo? Tsk, tsk, tsk.

Bukas ang pitak na ito para sa inyong panig.

***

Kung may sumbong o reklamo kayo, mag-email lang sa ramilcruz2003@gmail.com, o tumawag o mag-text sa 0929 815 9364, o sa 0915 718 2151.

***

Finish line: Belated happy birthday to Miss Mhadz Masicampo of Filgifts.com – Philippines (Makati City), who celebated her birthday yesterday (Monday, July 9). Greetings from your officemate Ms. Jazmine Marayag of Sta. Ana, Manila.