Abante Tonite Interactive

Si Yassi ang baby ko – Coco

971

Ni: Jun Lopez

Kumalat sa social media ang sweetness overload video ng tambalang Coco Martin at Yassi Pressman.

Kahapon, May 11, ay nag-celebrate ng kanyang 24th birthday si Yassi.

Sa isang video noong Biyernes, makikitang may advance sorpresa si Coco sa kanyang asawa sa “Ang Probinsyano.” Binigyan niya ito ng birthday cake. Kitang sobrang natuwa sa gesture ni Cardo ang Kapamilya actress.

May video rin na kuha sa isang entablado. May nagaganap na proclamation rally sa Danao, Cebu. Makikita na nagpe-perform ang aktor sa stage. Isa kasi siya sa endorser ng isang tumatakbong party-list.

Maya-maya, nagsalita si Coco ng “Nasaan na ang baby ko?” sabay makikita si Yassi na papaak-yat din sa stage para siya gulatin.

Panay naman ang kantyaw ng mga miron sa lambingan ng dalawa lalo na nang mag-duet ito ng ilang kanta. Tanong tuloy ng ilan, paano na si Julia Montes? Paano na ang diumano’y baby nila ni Coco? Hanggang ngayon kasi ay umiiwas pag-usapan ni Coco ang naturang isyu, maging si Julia rin ay nananahimik.