Abante Tonite Interactive

Siakam, Gasol umayuda kay Leonard sa Game 3

349

Nagpakita rin ang support cast ni Kawhi Leonard­ sa Toronto, at tapos ng dalawang sunod na talo ay binuweltahan ng Raptors ang Milwaukee Bucks Linggo ng gabi.

Umangas ang mga laro nina Pascal Siakam at Marc Gasol, idinikit ng Raptors ang Eastern Conference finals sa 2-1 pagkatapos ng 118-112 double-overtime win.

Nag-deliver si Siakam ng 25 points at 11 rebounds, may 16 at 12 si Gasol. Umayuda pa ng 19 points si Norman Powell bago na-fouled out.

Sinisi pa ni Siakam ang sarili dahil nagmintis ang dalawang free throws sa dulo ng regulation na nagselyo na sana sa panalo. Sa halip, nangailangan ang Raptors ng dalawang extra frames at career playoff-high 52-plus minutes ni Leonard para sikwatin ang panalo.

Tumapos si Leonard ng 36 points mula 11 of 25 shooting at 12 of 13 sa stripe.

“At the end of the game, Kawhi said he played an hour of basketball,” ani Siakam. “I told him, ‘My bad.’”

Nasa bench na rin sa dalawang extra sessions si Kyle Lowry, katuwang ni Leonard umangas sa unang dalawang laro. Tumapos siya ng 11 points, 4 rebounds at 5 assists bago natawagan ng sixth foul sa fourth.

Binasag ng layup ni Gia­nnis Antetokounmpo ang scoring, sumagot si Siakam ng hook shot na sinundan ng 3 ni Gasol at ‘di na naghabol sa kabuuan ng regulation ang Toronto.

May 10 points si Powel sa limang tira sa first kabilang ang dalawang 3s. (VE)