Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Siakam kapit sa Raptors

0 78

Maraming teams na nagpapahaging, pero binaril agad ng agent ni Pascal Siakam ang mga tsismis na magpapa-trade ang forward.

Ayaw ni Siakam umalis ng Toronto Raptors, tinulungan niya sa title noong 2019 kasama sina Kawhi Leonard at Kyle Lowry.

Nitong offseason, tumalon sa Miami Heat si Lowry.

Steady lang si Siakam sa Toronto.

Kahit interesado sa kanya ang Sacramento Kings at Golden State Warriors. Lumulutang din ang pangalan niya sa Ben Simmons trade mula Philadelphia.

Walang interes si Siakam.

“That’s the last thing on his mind,” pahayag ng kanyang agent na si Todd Ramasar sa NBC Sports Linggo. “He loves it there. Yes. He won a championship… That’s never come from us that there’s a change.”

Siniguro rin ng Raptors kay Siakam na hindi siya ite-trade.

Hindi natapos ni Siakam ang 2020-21 nang abutin ng shoulder injury sa dulo ng season. Kinailangan niyang sumailalim sa surgery, at nasa rehabilitasyon pa. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.