Abante Tonite Interactive

Siakam pinili ang bola kesa abito

310

Kahit sa panaginip, hindi inakala ni Pascal Siakam na magiging starter siya ng NBA All-Star Game.

Nang banggitin ang pangalan ni Siakam bilang isa sa East starters ng Team Giannis, nagkagulo sa kanya ang mga kakampi sa Toronto Raptors.

Habang lumalaki sa Cameroon si Siakam, gusto aniyang maging pari.

Pero nang madiskubre ang kanyang talento sa basketball, ipinalit ang ambisyong abito sa bola.

Sa dulo ng first round noong 2017 na-draft ang 6-foot-9 forward, 27th pick overall. Sa kanyang rookie season, ibinato pa siya sa D-League para mahasa pa.

Pagbalik sa NBA, tinulungan niya ang Raptors na makapasok ng playoffs.
History na ang kasunod.

Isa si Siakam sa mahalagang support cast ni Kawhi Leonard kaya nag-kampeon ang Toronto nitong 2019. Nag-average siya ng 19 points at 7 rebounds sa buong postseason.

Naging emosyonal si Siakam pagkatapos, naalala ang ama. Sana raw ay buhay pa ang kanyang tatay para makasama niyang mag-celebrate.

“Ah, man. It’s crazy. It’s unbelievable, man. I think you’ve just gotta think back to the journey, think back on my dad, you know, just kind of taking the chance and being like, ‘Man I’ve watched these guys on TV, they play with this orange ball, and it’s super fun, people are excited to watch them play, and it’s so exciting,” litanya ni Siakam.

“And him wanting and dreaming that one of his sons would do that. And working so hard to send his sons to the US, get an education, play college ball and hoping to get to the NBA, and there I am.” (VE)