Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Siakam, Raptors tatapusin ang Nets

0 203

WALANG kahirap-hirap na pinutol ng defending champion Toronto Raptors ang Brooklyn Nets, 117-92, kahapon sa Game 3 ng 2019-2020 NBA playoffs na ginanap sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Simula pa lang ng laban ay pinagkakalas ng Raptors ang depensa ng Nets kaya naman nahawakan agad nila ang 15-point lead, 57-42, sa halftime.

Hindi naayos ng Nets ang kanilang opensa sa second half lalo na nang pumutok si Toronto forward Paskal Siakam sa third quarter.

SM food to go Banner Ad

Tumikada si Siakam ng 26 points at walong rebounds upang tulungan ilista ng Raptors ang 3-0 bentahe sa kanilang best-of-seven series.

Lubog na ang Brooklyn, kailangan nila ng himala upang makausad sa susunod na phase.

Kumana si point guard Fred VanVleet ng 22 puntos habang humarbat ng double-double na 20 points at 13 boards si Serge Ibaka para sa Raptors na puwedeng walisin ang Brooklyn sa Game 4.

Namuno sa puntusan para sa Nets si Tyler Johnson na nagtala ng 23 Markers. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.