Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sibakan ibinabala sa mga empleyado ng gobyerno

0 321

Matapos mawalan ng hanapbuhay ang mga tao sa pribadong sektor dahil sa pandemya, mga empleyado naman ng pamahalaan ang pinangangambahang mawalan ng trabaho sa susunod na taon bunsod ng Executive Order No. 138 na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Hunyo 1.

Iniuutos ng EO 138 sa mga tanggapan ng national government na maghanda na ng plano para sa tinatawag na “devolution” o paglilipat ng ilang trabaho dahil mapupunta na sa mga local government unit ang pondo para sa mga batayang serbisyo at pasilidad.

Ayon sa Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE), posibleng magdulot ito ng malawakang sibakan sa hanay ng mga empleyado ng gobyerno.

SM food to go Banner Ad

Ang plano, ayon sa EO, ay ipasa na sa mga LGU ang mga function, services at facilities pagdating ng 2024 matapos sabihin ng Korte Suprema na dapat lakihan ang alokasyon ng mga LGU sa budget ng pamahalaan o ang tinatawag na Mandanas ruling.

Maglalabas ng guideline ang Department of Budget and Management (DBM) kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa gagawing devolution transition plan ng mga kagawaran.

Bibigyan ng insentibo ang mga magpriprisintang magretiro sa serbisyo. Subalit ang bayad ay depende umano kung magkano ang pondo ng tanggapan. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.