Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sibakan sa gobyerno nakaamba

0 8

Maaari umanong mauwi sa tanggalan ng mga empleyado ang pagbabago sa hatian ng national government at mga local government unit (LGU) sa nakokolektang buwis.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, simula susunod na taon ay ipatutupad na ang Mandanas ruling na nagsasaad na dapat bigyan ng national government ng hati ang mga LGU hindi lang sa nakokolektang buwis ng BIR kundi maging sa nakokolekta sa BOC at iba pang ahensiya.

SM food to go Banner Ad

Bilang pagsunod sa desisyon, pinalabas ng Malacañang ang EO 138 kung saan ibibigay ng national government ang ilang trabaho nito sa mga LGU.

“Dahil nga mababawasan yung budget ng national government, posible na ang una nilang tanggalin ay yung mga empleyadong walang security of tenure,” paliwanag ni Gaite. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.