Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sibakan sa NPC?

0 67

Totoo kaya itong tsismis na tuluyan nang tinanggal sa Nationalist People’s Coalition si dating Commission on Election (Comelec) commissioner Gregorio “Goyo” Larrazabal?

Ayon sa ating source, sinipa na diumano ang dating Comelec executive sa NPC dahil may ginawa itong diskarte na hindi pinaalam sa liderato ng partido.

Ang kuwento, sumanib daw si Larrazabal sa Codilla clan na hindi man lang kinonsulta ang mga opisyal ng NPC. Kumbaga nagsarili g diskarte si Goyo. Kaya pala nagulat na lang nang maghain siya ng certificate of candidacy bilang kinatawan ng ikaapat na distrito ng Leyte.

Makakalaban ni Goyo ang aktor at Ormoc City Mayor Richard Gomez na asawa ni Rep. Lucy Torres na nauna ring nabanggit ni Sotto na kasama sa inisyal na listahan ng senatorial line up.

Makakalaban ni Lucy si Edward Codilla. Si Codilla ang dating mayor ng Ormoc na tinalo ni Richard noong 2016 mayoral race.

May mga nanghinayang kay Goyo dahil kumabit ito sa mga Codilla na sinasabing may kinakaharap ng iba’t ibang kaso bukod pa sa blacklisted sa DPWH dahil sa mga substandard na proyekto.

Sayang si Goyo,kung tinuloy niya ang pagtakbo sa pagka-senador sa 2022 malamang may pag-asa siya. Pero dahil lokal ang kanyang tinakbuhan, mukhang mahihirapan siya kay Richard Gomez.

Mahirap nang talunin ang mag-asawang Richard at Lucy sa Ormoc. May naipundar na sila doon at iyon ay ang tiwala ng tao at malinis at walang bahid na serbisyo sa kanilang lungsod.

Two-time mayor na si Richard sa Ormoc. Ibig sabihin nagustuhan ng constituents ang kanyang serbisyo at pamamahala sa lungsod kaya sa tingin ko mahihirapan si Goyo na talunin ang aktor sa naturang distrito. Good luck!

Leave A Reply

Your email address will not be published.