Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sibakin si Lord trending!

0 409

Nag-trending sa social media ang banat ng mga netizen kay Speaker Lord Allan Velasco na tingin nila’y hindi nababagay para pamunuan ang Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa ilang pagbabago sa ilalim ng kanyang liderato.

Sa Twitter, pinag-usapan ang #ReplaceVelasco, kung saan pinunto ang biglaang pagdami ng deputy speaker sa Kamara mula nang maupo si Velasco bilang Speaker.

Mula 22 noong si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano ang Speaker, naging 32 na ang bilang ng mga deputy speaker na tinalaga ni Velasco.

Bukod pa rito, tinanggal din ni Velasco ang ilang kaalyado ni Cayetano tulad ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na pinalitan sa chairmanship ng House committee on public accounts.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Velasco is turning into a massive failure as he seems more concerned with the cosmetics of the HOUSE rather than real issues,” tweet ni @Dutertenomics.

May ilang netizen din ang nagpapatama kay Velasco matapos nitong ipagtanggol umano ang Makabayan bloc kontra sa red-tagging na ginawa umano ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr, ang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Sinusuway umano nito si Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya kontra mga rebeldeng komunista.

“#ReplaceVelasco LMAO TRAITOR AND WORST SPEAKER OF THE PHILIPPINES!!!! Why? HE IS DEFENDING THE MAKABAYAN BLOC AND ADDING 20 DEPUTY SPEAKERS!!!” reaksyon pa ng isang netizen.

“deputy speakers, they say ay may additional na bigay na 10m bukod pa sa pork barrel at sweldo na. lol! ang lala, then so magdadagdag pa ng additional 20? then #ReplaceVelasco na nga! too much na. maawa naman kayo sa bayan, mayayaman na kayo, wala kang puso,” tweet naman ni @RichSenyorita.(RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.