Abante Tonite Interactive

“Very sick” Joma pinauuwi na ni PDu30

By
5

Inabisuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinatawan ng gobyerno sa isinasagawang negosasyon sa kampo ng mga komunista na sabihan si Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison na umuwi na ng bansa.

Sa talumpati ­kagabi sa Prosecutors League of the Philippines, sinabi ng Pangulo na si Sison ay “very sick”.

“I just had a talk with the—before ­pagbaba dito. Dureza and ­Bello called me. Sabi ko na, ‘You tell Sison — ­because he is sick, he is very sick — he can come home.

I will give him freedom of movement. I will not ­arrest him. I’ll even pay for his ­hospitalization kung gusto niya,” ­tagubilin umano ng Pangulo sa mga government negotiators.

Sa ­kasalukuyan ay nasa Netherlands sina peace Adviser ­Secretary Jesus ­Dureza at govern­ment peace ­panel at ­Labor ­Secretary ­Silvestre Bello para sa fourth round ng negosasyon sa mga rebelde.