Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sid nagpasilip ng ‘nota’

0 157

Hindi big deal kay Sid Lucero na magbuyangyang ng ‘nota’ sa pelikulang “Virgin Forest” ni Brillante Mendoza.

Ito raw ang boldest o most daring movie niya so far.

Paniwala kasi niya, ang pelikula tulad ng ibang larangan ng sining ay dapat na malaya at mapagpalaya.

Bilang artista, trabaho lang daw niya na bigyang buhay ang anumang role na iniaatang sa kanya.

Hindi rin kasi siya naniniwala sa censorship at anumang full frontal scenes na ginawa niya ay kailangan sa pelikula.

Aniya, sobra raw ang paniniwala niya sa respetadong director na si Brillante Mendoza kaya nagawa niya ang mga ganoong kapangahas na mga eksena lalo na ang orgy scenes niya sa piling ng mga diwata.

Pagbabahagi pa niya, hindi raw niya naisip na magpalagay ng prosthetics sa kanyang nude scenes dahil gusto niyang maging natural lang ang kanyang acting.

Besides, allergic daw siya sa plaster kaya pinalaya na niya ang kanyang ‘ibon.’

Wala na lang daw siyang paki kung nakabuyangyang ang kanyang pagkakalalake at nasilip ang kanyang totoy mola.

Hirit pa niya, kahit napalilibutan ng mga hubad na mga babae, never din daw niyang naisip na maelya sa mga ito dahil sa sobrang lamig ng tubig sa talon.Nakababad sila habang isinu-shoot ang nasabing mga eksena.

Currently, may girlfriend si Sid, pero hindi raw niya naiisip na mag-settle down.

Kahit naniniwala siya sa marriage, feeling niya ay kumpleto na ang kanyang buhay dahil sa anak niyang si Halo Eve na nagsisilbi niyang inspirasyon sa buhay.

Ang “Virgin Forest”ay kasalukuyang streaming na sa Vivamax.

Leave A Reply

Your email address will not be published.