Abante Tonite Interactive

Sigalot sa Mindanao tutuldukan ng BOL – Ping

By
329

Oras na malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bangsamoro Orga­nic Law (BOL) sa Agosto 6 ay magtatapos na ang anumang sigalot sa Mindanao, ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson.

Aniya, malaki ang magiging papel ng BOL dahil matutuldukan na nito ang sigalot sa Mindanao sa pamamagitan ng pagtatatag ng bagong political entity kapalit ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

“Magbibigay ang BOL ng daan para sa matagalang kapa­yapaan ng Mindanao,” pahayag ni Lacson.

Matagal ding nabin­bin sa Kongreso ang BOL.

Hulyo 26 nang pirmahan ni Pangulong Duterte ang BOL, salungat sa kanyang naunang balak na gawin sana ito sa mismong araw ng kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) dahil na rin sa agawan sa liderato ng Kamara.

Gagawin ang ce­remonial signing ng Pangulo sa Malacañang bago tumulak patungong Mecca, Saudi Arabia ang ilang opisyal ng Bangsamoro Transition Commission (BTC).