Abante Tonite Interactive

 Sigaw ng Ginebra die hard: Never say baha!

By
0 1,214

Humahagupit na ulan at nagbabadyang baha sa Metro Manila?

No problemo ‘yan sa mga die hard fan ng Gineb­ra, sisigaw lang sila ng “Never Say Baha” at magmamartsa na patungong Ortigas Center sa Pasig.

Alas-dose kahapon nang tanghali nang magsimula ang Barangay Ginebra Fans Day para sa selebrasyon ng 2018 PBA Commissioner’s Cup championship ng Gin Kings.

Sinagupa ng mga Never Say Die supporter ang ulan para makarating sa Metrotent Convention Center sa Meralco Avenue.
Siyempre pa, hindi ibinitin ng Ginebra ang kanilang sixth man, naroon din ang buong team sa pangunguna ni coach Tim Cone.

“So happy you all came,” pahayag ni Cone sa supporters. “The rain has been so hard and I’m so surprised you all came here.”

Ibang klase raw ang pagiging coach ng ­Ginebra.

“Just want to say I’m so proud to be the coach of Ginebra” dagdag ng 21-time champion coach. “I wish all the coaches of the world could be the coach of Ginebra so they can experience how happy I am.”

Itinaas ang midseason conference title sa u­nang pagkakataon sapul noong 1997, uumpisahan naman ng Ginebra na habulin ang three-peat sa season-ending Governors Cup na sisiklab sa Aug. 17. (Vladi Eduarte)