Abante Tonite Interactive

Sigaw ng mga netizen: Basaan sa San Juan ‘wag ituloy sayang tubig!

336

Huwag ituloy, sayang ang tubig. May water shortage huwag na dagdagan pa ang problema.

Ito ang panawagan ng mga netizen kaugnay ng Wattah Wattah Festival sa kapistahan ng San Juan City ngayong Lunes, partikular ang tradis- yonal na pagbabasaan ng mga makikisaya sa taunang okasyon.

Inulan ng mga komento mula sa mga netizen ang Solid San Juan Facebook page at pangunahing concern ng mga ito ang pagsasayang ng tubig sa basaan na inaasahang magaganap muli ngayong araw sa nasabing lungsod.

Abante Hiring – IT dep

“there’s water shortage .. that isnt letting the blessings flow…. that’s abusing what little we have left of the water supply we have!” sabi ng netizen na si Yowana Gan.

“Be mindful of your water supply, san juan. SJ government should remind to conserve their water supply. Hay naku, isip isip din dapat,” paalala ni Dedette Gonzales

“Question: pwede po ba kami maglaba, maghugas ng plato, maligo, mag dilig ng mga halaman, etc. diyan sa event niyo? Wala pa po kasi tubig samin!” pahayag naman ng isang Eizel Nocon.

Isang netizen ang nanawagan naman sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para ipatigil muna ang pagbabasaan .

“Pwede po bang ipatigil muna or wag gawin muna ang pagsasaboy ng tubig? Ok lang po yung ibang activity pero dahil may water shortage wag na sana dumagdag sa problema ang pagsayang sa paggamit ng malinis na tubig.
Department of the Interior and Local Government Department of Environment and Natural Resources (DENR) Office of the President of the Philippines – Malacanang Manila Water Raffy Tulfo in Action baka po kausapin ang san juan government and constituents na iwasan muna ang pagsaboy ng tubig,” apela ni Garcia Mart.

Samantala, nabatid ng Abante Tonite na itutuloy ng pamahalaang lungsod ang Wattah Wattah Festival pero magbabawas sila ng mga fire truck na gagamitin para sa basaan.

Batay kay Grace Cortez ng San Juan City Hall Public Information Office, 50 fire truck ang ginagamit dati para mambasa sa iba’t ibang barangay ng lungsod tuwing Wattah Wattah Festival pero gagawin na lamang umanong 16 ito sa pagdiriwang ngayong Lunes.

Ang 34 fire truck umano ay gagamitin naman para mag-supply na lamang sa mga barangay na kapos sa tubig.

Handan a rin ang San Juan City Police para sa seguridad ng mga residente at mga turista na makikilahok sa ika-16 na pagdaraos ng Wattah Wattah Festival. (W/Edwin Balasa)