Abante Tonite Interactive

Sigaw ng opisyal Bulok ang PH wrestling!

285

Anim buwan na lang bago isagawa sa bansa ang 30th Southeast Asian Games 2019, pero may nabunyag pang kuwestiyonableng kalakaran sa isang national sport association, ang Wrestling Association of the Philippines o WAP.

Isang dating mataas na opisyal ng asosasyon ang nagbunyag sa mga kaduda-dudang sitwasyon sa loob ng asosasyon na napag-alaman niya mismo sa mga kasalukuyang miyembro ng national team at national coach.

“Just like you to know sir that some of our athletes are complaining to us about the situation in wrestling. Kailan pa po nagkaroon sa sports at disiplina sa wrestling na may miyembro ng national team na submission wrestlers. ‘Di po kailangan ng submission sa Olympic style wrestling pero sa mixed martial arts na combat meron,” sabi ng opisyal na pansamantalang tumanggi munang magpakilala.

“Will appreciate if you and your colleagues in the media can report on the questionable PH Team lineup soonest,” sabi ng mapagkakatiwalaang source sa mensahe sa Facebook.

“Daming salto at kalokohan sir. Nagpa-international wrestling and grappling tournament dito, daming gold daw sa grappling eh sila-sila lang naman ang mga kasali, hehe. Tapos yung mga PHL Team pinatulog lang sa basketball court, tas yung mga grappler nasa hotel,” sabi ng opisyal.

‘Di naman makapagreklamo sa Philippine Sports Commission ang mga miyembro ng national team at at ang development pool kontra WAP dahil sa inaasahan ng mga atleta na agad silang patatalsikin.

“The athlete nos. 22 to 25 are submission grapplers and are very unlikely to be fielded in Olympic-style wrestling competitions. Iyung isa ay girlfriend ng presidente ng asosasyon,” pagbubunyag ng opisyal.

Pinuntahan ng Abante/Abante Tonite sa kanilang training gym at opisina sa Philippine Center for Sports Medicine sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex upang makunan ng pahayag ang mga namumuno sa wrestling [ero walang tao at sa gabi lamang nagbubukas at nagsasagawa ng mga pagsasanay. (Lito Oredo)