Abante Tonite Interactive

Sigaw ni Garcia:Kadenahan si Sangalang

401

Ginamit ng Magnolia Pambansang ang limang araw na Holy Week break para magbawi ng lakas.

Si Rain or Shine coach Caloy Garcia, naghalukay sa kanyang baul ng paraan kung paano pipigilin si Ian Sangalang.

Si Sangalang ang bumida sa Game 3 noong Martes, scoreless sa first half pero kinamada ang 12 sa kanyang 16 points sa fourth quarter para bitbitin ang Magnolia sa 85-74 panalo.

Abante Hiring – IT dep

Abante pa rin ang Elasto Painters sa PBA Philippine Cup semis 2-1, pero siguradong hindi nila basta-basta hahayang itabla ng Hotshots ang best-of-seven series pagkatapos ng Game 4 mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

“We have no answer to stop him (Sangalang) in the fourth,” bulalas ni Garcia. “I think that was the game when they went to Sangalang and we couldn’t contain him.”

Sa first two quarters ay hindi makaporma si Sangalang kay Beau Belga, pero nang makuha ang ritmo ay nagtuloy-tuloy na para atakehin ang E-Painters.

Isa pang naging problema ng Rain or Shine sa Game 3 ay ang nanlamig na shooting sa dulo. Pagkatapos ng three-point play ni Javee Mocon mula sa foul ni Paul Lee higit 4 minutes pa sa laro ay dumikit ang Painters 76-74, pero ‘yun na ang huling basket nila.

Na-outscore ang Painters 28-11 sa final 12 minutes.

“I think we just have to learn from this loss especially in the fourth quarter when we only scored 11 points,” panapos ni Garcia.
(Vladi Eduarte)