Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sigaw ni Willie: Ai Ai ‘wag mag-maasim

0 1,228

Aliw ang guesting ni Ai Ai delas Alas sa Wowowin last Tuesday. Kasama rin niya bilang guests sina Rhian Ramos at ang impersonator ni Kris Aquino na si Krissy (Jennie Gabriel).

Ang nakakatuwa, sey ng host na si Willie Revillame, hindi raw alam ni Ai Ai na inimbitahan din niya si Krissy kaya nasorpresa si Ai Ai although hindi niya naman ipinahalata.

“Enjoy lang, friendship lang, eh,” natatawang sabi ni Willie.

Well, hindi naman siguro kaila sa lahat na matagal nang may tampuhan sina Ai Ai at Kris.

“I miss you, friendship,” sabi ni Krissy kay Ai Ai. Sumagot naman ang komedyana, “yeah, I miss you too, friendship.”

Kung matatandaan ay “friendship” ang tawagan nina Kris at Ai Ai noong magkabati pa.

Tawa nang tawa si Rhian sa dalawa kaya sey ni Ai Ai, “tawang-tawa siya, ako parang nalungkot ako.” Pero binawi naman niya agad ito at sinabing nagbibiro lang siya.

Kaya naman dito na seryosong nagsalita si Willie at binigyan ng payo si Ai Ai.

“You know what? Hindi ito ang panahon para kayo magkakaroon ng bitterness, hatred, galit at tampo o selos. Eto ang panahon para tayo magmahalan. Tama?” ani Willie.

Umayon naman si Ai Ai at aniya, “good vibes!”

Samantala, minsan pa ay sinabi ni Ai Ai na gusto niyang maging co-host sa Wowowin.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi naman ni Willie sa manonood, “mag-text ho kayo, mag-comment kayo if ever na gusto n’yo si Ai Ai dito, gagawin ko siyang co-host.”

Ruffa balik-eskwela

Umani ng papuri si Ruffa Gutierrez matapos niyang ibahagi sa kanyang Instagram page ang kanyang desisyon na bumalik sa pag-aaral.

Ayon sa aktres, nag-enroll na siya sa Philippine Women’s University sa kursong AB Communication Arts.

 “You’re never too old to chase your dreams,” ang bungad ni Ruffa sa kanyang post.

“I am both humbled and excited to share with you that I am currently enrolled in The Philippine Women’s University to pursue a Bachelor of Arts Degree majoring in Communication Arts under the Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP),” patuloy niya.

Ayon pa sa aktres, after 34 years of being in showbiz ay nagdesisyon siya na bumalik sa pag-aaral dahil gusto niyang maging mabuting ehemplo sa kanyang mga anak.

“After 34 years of working in the entertainment industry, I have chosen to further my education. Not only do I want to fulfill a long-held dream and take control of the next chapter of my life, I want to set a good example for my children.

“I hope you can support me in my new journey,” saad ni Ruffa.

Needless to say ay katakot-takot na suporta nga ang natanggap ng aktres mula sa colleagues and netizens. Ilan sa mga ito ay sina Kathryn Bernardo, Aiko Melendez, Sunshine Cruz, hipag na si Sarah Lahbati, Charlene Gonzalez, Cristina Gonzalez, Eula Valdes, Janine Gutierrez, kapatid na sina Richard and Raymond Gutierrez at marami pang iba.

Leave A Reply

Your email address will not be published.