Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sigawan malamang sa pulong ng POC

0 185

Magpupulong ang Philippine Olympic Committee (POC) Executive Board ngayong Lunes ng umaga para ipinalisa ang ilang mahahalagang agenda tampok ang amyenda sa mainit na usapin sa Constitution and By-Laws.

Itinakda ang executive meeting sa opisina ng POC sa PhilSports Complex na rito’y inaasahan na posibleng hindi makadalo ang iba at sa halip ay mag-video call o gumamit ng video conference sa planong pagbabago sa konstitusyon.

“Gusto naming na maging produktibo ang meeting. Pag-uusapan ang ilang kritikal na agenda kabilang ang committee of constitutional amendment at iba pang agenda,” wika kahapon ni POC president Abraham Tolentino, na pangulo rin ng PhilCycling o Integrated Cycling Federation of the Philippines.

Inaasahan ang matinding diskusyon sa suhestiyon na paglalagay ng age limit sa mga uupo sa exectuve board dahil sa marami ng tanders at malilimutin dito, ang pagbabawal na sobrang posisyon sa iba pang national sports association at ang pagsasantabi sa mga NSA na hindi kinikilala ng mga international federations (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.