Abante Tonite Interactive

Signal no. 1 sa Luzon at Visayas

By
71

Isinailalim na sa storm signal ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administation (PAGASA) ang ilang lugar sa Luzon at Visayas kasunod ng pag-landfall ng bagyong Urduja sa Eastern Samar.

Ang mga lugar na nasa signal no. 1 ay ang Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate, Romblon, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, at Southern Leyte, Northern Cebu kasama ang Bantayan Island, Capiz, Aklan at Northern Iloilo.

May taglay na hangin na 55 kilometers per hour (kph) at bugsong 65 kph ang bagyo at tumatahak 10 kilometro kada oras kaya asahan na ang hatid nitong malakas na pag-uulan.

Nagtaas na ng heavy rainfall warning ang weather bureau sa southern portion ng Eastern Samar kung saan ina­abisuhan na ang mga residente na maging alerto sa inaasahang pagbaha at maging handa sa paglikas.

Orange warning ­level naman ang nakataas sa northern portion ng Eastern Samar.