Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Signal no. 4 posibleng itaas kay ‘Kiko’

0 72

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na maaaring itaas ang Signal No. 4 sa bagyong ‘Kiko’ na lalo pang lumakas habang nasa Philippine Sea.

Ang bagyo, na may lakas ng hangin na 195 kph at pagbugso na 230kph, ay huling namataan sa bisinidad ng Baler, Aurora taglay ang lakas ng hangin na 20kph.

Ilang lugar na ang inilagay sa tropical cyclone wind signal no. 1, kabilang ang Batanes, Cagayan, Apayao, at Isabela.

“However, as the typhoon progresses towards extreme Northern Luzon, higher wind signals will be hoisted in some localities within Northern Luzon. Signal no. 4 remains the highest possible tropical cyclone wind signal for Kiko,” ayon sa Pagasa.

Biyernes ng gabi mararamdaman ang ulan na hatid ng bagyo at nagbabala ang ahensya sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa. Apektado na nito ang karagatan at ipinagbabawal ang paglalayag.

Sa inisyal na forecast ng Pagasa ay sa Cagayan ang landfall ni Kiko bago dumaan sa mainland Northern Luzon. Posibleng humina ito sa Biyernes o Sabado, at sa Linggo ito inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility.

Samantala, palabas na ng bansa ang bagyong ‘Jolina’, at inalis na rin ang lahat ng storm warning signal kaugnay dito. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.