Abante Tonite Interactive

Sikapin nating maging ‘kapwa-tao’ sa iba!

260

Fr. Richard Bolaton, STL

Tampok ang kuwento ng ‘Mabuting Samaritano’ sa Ebanghelyo ngayong ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (Lc 10: 25-37). Saad ng Simbahan, sa nasabing talinhaga matututunan natin ang ibig sabihin ng tunay na pag-ibig sa kapwa bunsod ng malasakit ayon sa turo ni Hesus. Hinihikayat ang tanang mananampalataya na sikaping makipagkapwa-tao at tularan ang Samaritano sa kanyang halimbawang Kristiyano.

Layon ng mga pagbasa ngayong araw na hikayatin ang lahat na magmahal sa kapwa hindi lamang sa salita kundi maging sa gawa. Sa Misa, ipinapanalangin ang mga pinuno ng Simbahan upang huwag lang mangaral tungkol sa pag-ibig bagkus ipadama at ipakita ito sa mabuting gawa. Gayundin itinataas sa Diyos ang mga bagong halal nang magkaroon sila ng totoong concern sa mga ‘lost, least at last’.

Paalala ng Simbahan sa lahat ng mga Kristiyano ngayong Linggo: manatiling nagsisikap na mahalin ang Diyos sa bawat taong makakasalamuha! Sa kasalukuyang panahon daw kasi marami ang naghahanap ng ‘kapwa’ ngunit iilan lamang ang marunong at handang m­aging kapwa. Pithaya na Iglesya na mahimok ang marami na maging kapwa ayon sa diwa at halimbawa ng Panginoong Hesus.

Ayon kay Sr. Ma. Anicia Co, RVM, malinaw ang doktrina ni Hesus — ang pag-ibig sa kapwa gaya ng sarili ay hindi nagsisimula sa sariling panukat kung sino ang ituturing na kapwa. “Ang tanong ay hindi, ‘Sino ang kapwa ko?’ kundi, ‘Ako ba ay kapwa-tao?’ at ‘Kumikilos ba ako bilang kapwa ng aking kapwa-tao?” giit ng madre. Ang huwaran daw samakatuwid ng pag-ibig sa kapwa ay walang iba kundi si HesuKristo.

Ganito rin ang puna ni Fr. Ross Heruela, SVD: “We know the good and the bad But knowledge is diffe-rent from wisdom,” aniya. Maaaring ma-ging eksperto daw tayo sa pagkilatis ng mabuti at masama, gayunman magiging hadlang lang ang kaalaman kung walang tunay na pagpapahalaga. Konklusyon ng pari, “to stay in the Father’s heart, a Christian must seek the sinner and the needy with an excited Samaritan’s heart, eager to do good!”

Narito sa wakas ang pagpapatibay ng Iglesya mga kuru-kurong nabanggit: “To be a neighbor is to be more human: one who is more sensitive to the life and to the joys and pains of people. It is in being a neighbor that our faith is shown for what it really is, and not merely as an article of faith or teaching.”

Sa huli, nagsisilbing pamukaw-sigla ang spiritual reflection ni Pope Francis sa Mabuting Balita: Sabi ng Papa, “Do good works; don’t just say words that are gone with the wind. Through the good works that we carry out with love and joy towards others, our faith emerges and bears fruits.” Paaala ni Francis, “One day Christ will look at us and say to us about each person we were called to aid, ‘That was me!”
Attachments area