Abante Tonite Interactive

Sikat na aktor, lagot sa droga

By
7

KAILAN kaya ilalabas ang mga pangalan ng mga artistang sangkot sa droga?

Ang dami nang ispekulasyon na kumakalat kung sinu-sino ang kasama roon.

Isa sa pinakamaugong ay ang napakasikat na aktor na tiyak maaapektuhan kung masiwalat ang kanyang involvement sa bawal na gamot.

Lagot!

***

Sayang at hindi na pala makakasama si Ricky Davao sa DOM (Dirty Old Musical) na tatampukan nina John Arcilla, Nonie Buencamino, Michael Williams at Ro­bert Seña.

Kasama si Ricky sa orihinal na cast pero ngayo’y papalitan na raw ni Bo Cerrudo.

Bakit kaya biglang naging busy si Ricky?

Isa kaya sa posibleng dahilan ay ikinukunsidera siyang maging head ng isang showbiz related agency ng gobyerno na kailangan niyang pag­laanan ng mas maraming oras?

Abangan natin ‘yan!

***

Sa mga nakapanood kay Frankie Pangilinan na anak nina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan, sinasabi nila na malaki ang pagkakahawig nito kay Cia­ra Sotto or the Sotto sisters.

OK naman, kasi, kamag-anak nila ito at may talent talaga ang dalaga.

***

Totoo ba na ang bagong girlfriend ni Sam Concepcion na ipinalit niya kay Jasmine Curtis-Smith ay ang anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan na si Keana?

At ang anak ni Martin Nievera ay close na close sa anak ni Zsa Zsa Padilla na si Zia?

Ito na yata ang tinatawag na se­cond generation love.