Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sikat na aktor mukhang ‘di naliligo

0 310

Shocking Asia ang isang grupong nakakita sa isang sikat at guwapong aktor sa airport. May mga pagbabago sa kanyang gayak ngayon pero hindi pa rin puwedeng itago sa kahon kung sino siya.

Sikat kasi ang male personality, napanood at natutukan ng grupong nakakita sa kanya ang mga pelikulang ginawa niya, nagtataka man ang mga ito ay siya talaga ‘yun.

Kuwento ng aming source, “Naku, hindi sila magkandatuto sa pagkukuwentuhan. Ayaw pa nga nilang maniwala na si ____(pangalan ng sikat na male personality) ang nakita nila, e!

“Napakalayo kasi niya sa dating itsura niya. Ibang-iba na siya ngayon, parang ilang araw silang nawalan ng tubig kaya parang hindi siya naliligo!

“At para ring nawalan ng kuryente sa bahay nila, parang ilang araw silang walang ilaw, dahil parang hindi muna naplantsa ang suot niyang t-shirt at pantalon.

“Kung gaano siya katikas pumorma nu’n, e, para namang tinabangan na siya sa pagbibihis ngayon! Parang basta hinila lang niya sa mga labada ang damit, sabay suot na agad!” unang namamanghang kuwento ng aming impormante.

Gusto sana nilang lapitan ang male personality habang kumakain ng donut at umiinom ng kape pero nagdalawang-isip sila. Mukhang wala sa mood ang aktor sa sobrang kaseryosohan niya.

“Ano ba naman ‘yun? Parang pinababayaan na niya ang sarili niya? Kung kailan siya nagkakaedad, e, du’n nga siya dapat mag-ayos ng sarili niya, di ba?

“Pero parang nawalan na siya ng ganang pumorma, parang okey lang na tinitingnan siya ng mga tao at ikino-compare ang itsura niya nu’n sa ngayon!

“Nakakapanghinayang siya, sa totoo lang, nasayang na nga ang mga opportunities na pinakawalan niya dahil sa love, e, parang sinasayang din niya ang image niya.

SM food to go Banner Ad

“Haay, nakakapanghinayang talaga ang male personality na ‘yun! Pero ‘yan ang gusto niya, ‘yan ang trip niya ngayon, e, di sakyan na lang natin kung ano ang gusto niya!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Sharon magpreno lang sa showbiz

Masyadong dinamdam ng mga loyalista ni Sharon Cuneta ang makahulugang post niya nu’ng isang araw, “On my way to retirement.”

Kung edad ang pag-uusapan ay nasa kasibulan pa ang Megastar, hindi pa siya matanda na marami nang kakaibang nararamdaman sa katawan, kayang-kaya pa niyang magtrabaho at makipaglaban sa puyatan.

Pero siguro nga ay dumarating ang artista sa puntong gusto niya nang bigyan nang sapat na panahon ang kanyang sarili at pamilya. Ang personal niya namang buhay ang gusto niyang asikasuhin dahil dekada nang naging pampubliko ang kanyang buhay.

Lalo na sa estado ngayon ni Sharon Cuneta na kahit hindi pa siya magtrabaho ay makapamumuhay na siya at ang kanyang pamilya nang sobra-sobra pa sa sapat dahil malalim ang balon ng kanyang kayamanan.

Kung minsan, gustuhin mang magretiro na ng ibang artista ay hindi nila ‘yun magawa, meron pa silang mga pangarap, matindi pa ang kanilang pangangailangan, ‘yun ang pumipigil sa kanila.

Ibang-iba ang posisyon ni Sharon na hindi lang basta milyonarya na, napakarami na niyang naitayong negosyo na puwede niyang asahan kung hihinto siya sa pagharap sa mga camera, sigurado na ang kanilang kinabukasan ngayon pa lang.

Pero napakaaga pa, madiing pagkontra ng mga Sharonians, napakaaga pa para magretiro na ang isang Sharon Cuneta.

Magpreno na lang muna siya sa pagtanggap ng mga proyekto, balansehin na lang niya ang kanyang panahon, pero alisin niya sa kanyang bokabularyo ang pagreretiro.

Leave A Reply

Your email address will not be published.