Abante Tonite Interactive

Sikat na aktres ‘di binati ng mga anak nu’ng Mother’s Day

By
3,525

Napakasakit para sa isang ina ang malaman na pinagkakaisahan siya ng kanyang mga anak. Nagkakasiyahan ang mga anak at apo niya, puro halakhakan ang maririnig sa paligid, pero ni isa man sa kanyang mga supling ay walang nakaalalang bumati man lang sa kanya.

May okasyon nu’n, Mother’s Day, espesyal na araw na dinisenyo para sa mga ina sa buong mundo. Pero ni isang linya ay walang tinanggap na pagbati ang isang aktres mula sa kanyang mga anak.

Sa halip ay nagsama-sama ang mga ito, nagkaroon sila ng selebrasyon, sobrang saya ng magkakapatid habang kasama ang kani-kanilang asawa at mga anak.

Kuwento ng aming­ source, “Walang maaasa­hang pagbati si ____(pangalan ng popular na aktres) mula sa mga anak niya sa kahit anong okasyon hanggang nand’yan pa rin ang lala­king inaayawan nila.

“Sagad sa buto ang pagkontra nila du’n sa lalaki, ewan naman kasi kung ano ang ipinakain sa kanya ng lalaking ‘yun at hindi niya mabitiw-bitiwan.

“Alam niya naman na ang taong ‘yun lang ang humaharang sa pagkakasundo nila, pero kung bakit mas kinakampihan pa niya ‘yung lalaki, kaya ganyan ang nangyayari sa kanila,” madiing sabi ng aming impormante.

Katwiran ng aktres ay ang lalaking ‘yun daw kasi ang naging tungkod niya sa lahat ng mga paghamon sa buhay na pinagdaanan niya. Ito raw ang nakasama niya sa meron at sa wala.

Hindi raw siya iniwan ng lalaki nu’ng mga panahong kumakalog ang kanyang bulsa, ito raw ang nagtiis sa tabi niya, kaya ibinabalik lang niya ang pagtanaw ng utang na loob sa lalaki.

“Hindi ganu’n ang pa­nanaw ng mga anak niya. Marami silang alam na kuwento, hindi lang sila nagsasalita bilang respeto na rin sa mommy nila. Hanggang nand’yan ang taong ‘yun, e, ganyan na lang sila habampanahon.
“Kaya para maging maayos ang relasyon nila, e, kailangan niyang mamili—puso o pamilya?” pagtatapos ng aming source.
***

Vice kinainggitan kay ‘Terrence Kabayo’

Tutok na tutok ang mga becking fans ng basketball sa nakaraang laro ng TNT Katropa at Blackwater. Panalo ang TNT, pero parang walang pakialam ang mga becki sa balyahan sa hardcourt, ang kanilang interes ay nakatutok kay Terrence Romeo na pambato ng TNT Katropa.

Biyernes nang umaga nang kumalat ang isang sex video na ipinapalagay ng mas nakararaming becki na si Terrence Romeo. Biyernes nang gabi ang laro ng TNT at Blackwater, sariwang-sariwa pa ang pagpipista ng mga becki, kaya parang isda sa aquarium ang basketbolista na bawat galaw ay tinututukan ng mga nakapanood ng sex video.

Si Terrence daw kasi ang bumibida sa natu­rang video kung saan kumakanta ng Batibot ang magaling at guwapong basketbolista. At kilig na kilig ang mga becki dahil katangi-tangi raw ang sandata ng basketball player na taga-Dakota Harrison.

Kapag nakaka-shoot si Terrence ay kakaiba ang sigawan ng mga becki, may mga sumisigaw pa ng “Papa ko!” sa Smart Araneta Coliseum, kakambal ang sobrang pagkainggit kay Vice Ganda na minsang naugnay ang pangalan sa pinagpipistahang manlalaro.

Nakakaaliw ang mga anak-anakan naming becki na pinangunguna­han nina Ogie Narvaez Rodriguez at Japs Gersin. Sa susunod daw naming panonood ng laban ng TNT Katropa ay sasama sila, gusto lang daw nilang makita nang personal si “Terrence Kabayo,” dahil sa napanood nilang sex video.

Ganu’n agad-agad? E, hindi pa nga sigurado kung si Terrence Romeo nga ‘yun dahil mata at ilong lang naman pala niya ang nakikita habang pataas-pababa ang kanyang kamay sa mag-isang pakikipaglaro sa kanyang sandata.
Ha! Ha! Ha! Ha!