Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sikat na aktres ‘di mapatawad ng magulang

0 861

Ilang beses na palang nagpadala ng mensahe ng panghihingi ng tawad sa kanyang mga magulang ang isang popular na female personality sa pamamagitan ng kanilang mga kaibigan pero walang naging positibong resulta ‘yun.

Ayon sa babaeng personalidad ay magiging kumpleto lang ang kanyang kaligayahan kung mapatatawad na ng kanyang mga magulang ang desisyong ginawa niya.

Ilang family friends na ang pinagdaanan ng kanyang hiling, pero walang magandang resulta, hanggang ngayon ay matindi pa rin ang hinampo ng kanyang pamilya sa ginawa niya.

Kuwento ng aming source, “Tingnan n’yong mabuti ang mga mata ni ____(pangalan ng popular na female personality), makikita mo pa rin ang lungkot.

“Dapat sana, e, maligayang-maligaya na siya ngayon dahil natupad na ang gusto niyang mangyari, magkasama na sila ng lalaking ipinaglaban niya, pero may lungkot pa rin sa mga mata niya.

“Kilala siya sa pagiging makapamilya, umikot lang ang buhay niya na ang family niya ang kasama niya, kaya talagang napakasakit para sa kanya ang ganito.

“Okey lang sana na may sarili na siyang buhay, pero hindi kumpleto ang happiness niya dahil alam niyang galit pa rin ang parents niya sa kanya,” umpisang kuwento ng aming source.

Umaasa ang mga kaibigan ng pamilya na isang araw ay magkakasundo rin sila, panahon lang ang kailangan nilang hintayin, pasasaan ba’t matatanggap na rin ng pamilya niya ang mahalagang personal na desisyong ginawa niya.

“Oo naman, hindi naman habambuhay na ganyan ang sitwasyon. Siguradong darating din ang oras na magkakasundo na sila. Bukas, lilinaw rin ang ningning ng mga tala,” pag-asa pa ng aming impormante.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kapamilya network super pilay

Sarado na nu’ng May 4 pa ang ABS-CBN. Meron silang bagong binalangkas na istasyon para maipalabas ang mga seryeng ilang linggo na nilang sinimulan ang taping.

Pero sa pinakahuling pagdinig sa Kamara tungkol sa prangkisa ng network ay isang bagong senaryo ang nalantad.

Pati ang bagong Kapamilya channel at TV Plus kung saan ipinalalabas ang mga programa ng istasyon ay ipinatitigil na rin ng NTC.

May depensang inilatag ang pamunuan ng ABS-CBN, pero hindi ‘yun nakapagsalba sa kagustuhan nilang mapigil ang pagpapahinto, paano na ngayon ang mga seryeng kasalukuyang itineteyping ng kanilang mga artista?

Sa pagpapasarado raw kasi ng network ay kasama sa pakete na kailangang ipahinto ang TV Plus at Channel 43. Pinagkakakitaan pa rin daw ‘yun ng network dahil may mga commercial ads.

Mapagkumbabang sinabi ng CEO ng ABS-CBN na si Mr. Carlo Katigbak na nakalulungkot man ang pangyayari ay susunod sila sa ipinag-uutos ng NTC.

Nakakalungkot ito. Tanging ang Kapamilya Channel na lang ang inaasahan ng mga artista para sa kanilang kabuhayan na sobrang apektado sa pagpapasara sa ABS-CBN. Pumayag na nga silang kaltasan ang kanilang talent fee para lang may pagkakitaan sila pero ganito pa pala ang mangyayari.

Pilay na pilay na ang network. Saan pa nila ipalalabas ang kanilang mga programa ngayon kung pati ang Channel 43, TV Plus at Kapamilya Channel ay mawawala na rin pala?

Pagba-bocktime na lang ang tangi nilang magagawa ngayon. Ang bumili ng airtime sa ibang istasyon para maipalabas ang kanilang mga programa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.