Abante Tonite Interactive

SIKAT NA AKTRES, MADAMOT!

By
7

TAPOS na ang drama series ni sikat na aktres kaya ngayon pa lang kumakalat ang kuwento tungkol sa kanya na naoobserbahan nila sa set.

Tuwing magti-taping ay may dumarating na fans na may dalang regalo para sa kanya.

Karamihan sa mga ibinibigay sa kanya ay mga pagkain na ikinatuwa ni sikat na aktres.

Halos lahat ng mga pagkaing naibigay sa kanya ay nandoon lang sa dressing room at patikim-tikim lang siya. Pero siya lang ang nakakatikim, wala nang iba.

Hindi kasi namimigay si aktres kahit type na type pa naman tikman ng iba.

Kahit sa co-stars ay dedma siya. Basta, nandu’n lang ang foods at walang ibang puwedeng gumalaw.

Minsan, may isang staff na hindi nakapagpigil, dumaan sa mesang pinaglagyan ng mga pagkain at kumurot nang konti sa isang cake.

Nagalit si aktres. Nakarating ito sa ilang fans. Inaway ng fans ang staff na iyun.

Kaya hinahayaan lang ang mga pagkaing ‘yun.

Hindi naman iniuuwi ni aktres pagka-pack-up ang mga pagkain. Basta iniiwan na lang sa set.

Ang iba, napapanis na lang. Ang iba, nila­langgam.

Walang gumagalaw dahil naiirita si aktres kapag may tumikim na iba.

Minsan ay dumating ang isang co-star ni sikat na aktres sa set. Nakita nito ang pizza na ipinadala ng isang fan.

Natuwa si co-star nang nakita ang pizza dahil paborito niya pala iyun.

Narinig iyun ni sikat na aktres, binigyan niya ng isang slice si co-star na tuwang-tuwa.

Katakut-takot na kantyaw ang inabot ni co-star.

Napakasuwerte raw niya na nabigyan siya ni sikat na aktres ng pizza.

Hindi nila alam kung ano ang mood ni sikat na aktres noong araw na iyun kaya niya nai-share ang pizza sa masuwerteng co-star.