Abante Tonite Interactive

Sikat na aktres minaliit ang female personality

1,102

HANGGANG ngayon pala, kahit maraming taon na ang lumilipas, ay nagbabalik pa rin sa alaala ng isang female personality ang ginawang pangmamaliit sa kanya ng isang babaeng personalidad din.

Napatawad niya na ang female personality, nakapag-move-on na siya, pero may mga pagkakataong nababanggit niya pa rin sa kanyang mga kaibigan ang nangyari.

Kuwento ng aming source, “Hindi naman kasi ‘yun basta-basta makakalimutan ng girl, matinding panlalait naman kasi ang natikman niya mula sa babaeng ‘yun!

“Nu’ng minsang ngang nag-CR sila ng kaibigan niyang artista rin, e, bigla niyang naalala na sa CR din siya nilait-lait ng female personality!

“E, baguhan pa lang siyang artista nu’n, sikat na ‘yung nangmaliit sa kanya, kaya tinanggap na lang niya ang mga panlalait sa kanya nu’ng hitad na babae!

“Pero nakita niya naman, matagumpay na ngayon ang babaeng nilait-lait niya sa CR, sikat na rin at meron nang napatutunayan!

“Sobrang selos kasi ang naramdaman sa kanya ng very insecure na female personality na ‘yun! E, hindi niya naman type ang husband ng lokah!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Mas marami pa ngang proyekto ngayon ang aktres na minaliit, magaling din siyang magsulat ng script, kumusta naman ang female personality na nanglait sa kanya?

“Naku, kabog na kabog na niya ang babaeng ‘yun! Magaling siyang umarte, ‘yung isa, e, ham actress pa rin kung tawagin ngayon ng marami!

“Pero hindi siya umubra du’n sa isa pang female personality na pinagselosan niya! Nag-uumpisa pa lang kasi siyang magtaray, e, nagtatalak na in English ‘yung gusto niyang laitin!

“Natakot bigla ang hitad, hindi na lang nakaimik, nag-aapuhap siya ng isasagot niya pero walang lumalabas sa bibig niya! Wah siya knowing mag-English!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Belat, saging lang ang may puso!

Robin iniipit ang sarili

ANG bilis-bilis magpalit ng emosyon ni Robin Padilla. Nu’ng isang araw lang ay kung anu-anong rekotitos tungkol sa batas ang kanyang ibinubuga.

Ang batas daw ay hindi binubutas kundi sinusunod at iginagalang. Kapag batas na raw ang pinairal ay walang sinumang mas mataas pa at makapangyarihan.

Bigla siyang nanghingi ng dispensa, himahamon niya kasi ang mga artista ng ABS-CBN, GMA-7 at TV5 kung magkano ang kanilang kinikita, para raw magkaalaman na.

Nag-sorry si Robin, nadala lang daw siya ng kanyang emosyon bilang ex-convict, ‘yun ang ibinigay niyang dahilan na parang isdang bilasa na hindi naman binili ng mga kababayan natin.

Ang totoo ay si Robin ang nang-iipit sa kanyang sarili sa usaping pinag-uusapan ng buong bayan ngayon tungkol sa gigil na gigil na pagpapasara ng ilang opisyal sa ABS-CBN.

Hindi niya alam kung saan siya pupunta, kakaliwa ba siya o kakanan, gumigitna na lang siya na mas nakakatakot dahil lalo lang siyang masasagasaan.

Kailangang magbigay ng malinaw na posisyon si Robin, sumasang-ayon ba siya sa gustong mangyari ng paglalagay ng tanikala sa pintuan ng istasyong pinagtatrabahuhan niya at pinagseserbisyuhan din ng iba pa niyang mga kapamilya ngayon?

Kapag batas ang idinidiin niya, ang ibig lang niyang sabihin ay maraming batas ng bansang ito ang binutas ng network, mga batas na kailangang panagutan ng istasyon.

Pero kumakambiyo siya, hindi raw niya inilalaglag ang ABS-CBN, nagmamalasakit din daw siya sa mga manggagawa ng istasyon na mawawalan ng trabaho.

Nagpapakilala siya kadalasan na isa siyang katipunerong palaban at walang inuurungan. Panindigan niya ngayon ang pagiging makatao niya!

Banggain niya ang mga pader! Lumagay siya sa tamang katwiran! Huwag siyang gumigitna para hindi siya masagasaan!