Abante Tonite Interactive

Sikat na atleta duwende ang ari

1,014

KUNG paano siya pinapalakpakan, sinasaluduhan at ipinagmamalaki ng buong bayan dahil sa superyor na talento niya sa larangan ng palakasan ay ganu’n din katinding pinagpipistahan ngayon ang kanyang sex video.

Kung ang magiging barometro ay ang kanyang katawan, maaaring kinunan ang video may ilang taon na ang nakararaan, hindi maaaring sabihing kamukha lang niya ang nasa video dahil ang kanyang itsura nu’n at ngayon ay walang ipinagkaiba.

Siya mismo ang kumuha sa kanyang sarili habang ginagawa niya ang isang aktong pinagdadaanan ng bawat kabataang lalaki.

Hubad ang pang-itaas na bahagi ng kanyang katawan, nakaitim siyang jogging pants, nag-aagawang maroon at violet ang kanyang briefs na may stripes na puti sa pinakabewang.

‘Yun ang part one. Sa part two ng sex video ay ipinakita na siyang naghuhubad ng jogging pants, kasunod ang pagtatanggal ng kanyang briefs, at saka siya humiga sa kama.

Pinisil-pisil niya muna ang kanyang sandata na tamang-tama lang ang sukat sa kanyang height. Pagkatapos nu’n ay nilaro-laro na niya ang kanyang ari na pagtataaasan lang ng kilay ng isang nakakakita na ang gustong masilip ay higante pero duwende lang pala.

Hindi dapat asahang taga-Dakota-Harrison ang sikat na atleta sa sex video, hindi siya matangkad, kaya taga-Duty Free siya.
Matagal din niyang nilaro-laro ang kanyang sarili pero walang masaganang gatas na lumabas. Natapos ang sex video nang paganu’n lang. Maliban na lang kung meron pang kasunod na part three kung saan makikita ang sikat na atleta na bumubuntong-hininga na sa sarap at pagod sa pagbabatibot.

Ang laman ng sex video ay hindi naiiba sa karaniwang pinagdadaanan ng mga kabataang lalaki na namumulat na sa kamunduhan.

Walang pinipiling estado ang ganu’ng karanasan. Kahit sinong lalaki, kapag dumarating na sa punto ng panghalina ng sex, ay hindi nakaliligtas sa ginawa ng sikat na atleta sa video.

Isa lang ang sigurado. Ilang oras bago siya sumalang sa napili niyang linya sa palakasan ay hindi niya ginagawa ang ganu’ng akto dahil makaaapekto ‘yun sa kanyang superlatibong performance.

Hindi magiging perpekto ang kanyang take-off at touch down kumbaga sa eroplano.

Regine walang pananagutan sa Dos-Duterte war

HINDI namin sinasang-ayunan ang opinyon ng mga taong walang nakikitang positibo kay Regine Velasquez na siya ang may hatid na kamalasan sa ABS-CBN.

Hindi pa kumakabilang-bakod sa network si Regine ay meron nang matinding alingasngas na hindi magtatagumpay ang istasyon sa pagre-renew ng kanilang prangkisa.

Hindi pa man nagpaplano ang Asia’s Songbird na lumipat sa ABS-CBN ay meron nang pinakawalang matinding pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi makalulusot ang network sa pagkuha ng lisensiya para sa kanilang pagsahimpapawid.

Unang ipinanganak ang ganu’ng isyu kesa sa paglipat ni Regine, kaya paano mangyayaring siya ang may hatid na malas sa istasyon, samantalang nakakaisang taon pa lang naman siya sa ABS-CBN?

Walang kinalaman si Regine Velasquez sa giyera sa pagitan ng Pangulo at ng network. Ilabas natin siya sa usapin dahil ang gusto lang naman nu’ng ale ay ang magpasaya sa kanyang mga tagahanga at manonood.

Kunsabagay ay ganu’n naman talaga kapag walang nakikitang maganda ang mga gumagawa ng negatibong isyu tungkol sa singer-actress.

Kahit ano na lang ay ibibintang sa kanya, ipaaako sa kanya, kahit wala naman siyang pananagutang kahit katiting.

Saka walang may hawak na bukas. Malay naman natin kung bago dumating ang Marso ng susunod na taon ay biglang lumambot ang puso ng Pangulo.

‘Di si Regine Velasquez naman pala ang may hatid na suwerte sa ABS-CBN?