Abante Tonite Interactive

Sikat na beki malakas lumamon

By
2,604

Isang grupo ng mga becki ang halakhakan nang halakhakan at apiran nang apiran dahil sa pagpipista nila tungkol sa isang sikat nilang kabaro na kung tawagin nila’y alulod.

Hindi sa pag-inom malakas ang sikat na becki, napakalakas niyang kumain, sobra siyang magana kaya pinagtatakahan ng kanyang mga kaibigan kung saan niya inilalagay ang sobra-sobrang kinakain niya.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Matangkad siya, pero hindi naman siya mataba, pero kung kumain ang lola n’yo, parang wala nang bukas! Napakalakas talaga niyang kumain!

“Nu’ng hindi pa siya ganyan kasikat, e, lalo na! ‘Yung pangtatlong tao, kanya lang ‘yun! May sariling kaldero na nga siya nu’n dahil napakatindi talaga niyang kumain!” tawa nang tawang kuwento ng source na dating nakakasama ng sikat na becki sa mga raket.

At nag-apiran na naman ang mga becki, dahil merong bumangka sa pagsasabing ganu’n daw pala ‘yun, kahit daw pala yumaman na nang husto ang isang tao ay hindi pa rin nagbabago ang kanyang table manners.

Pero may kakambal namang papuri para sa sikat na becki ang kanilang pagtatawanan. Hindi pa rin daw kasi nagbabago ang panlasa niya kahit pa kayang-kaya na niyang bumili ng kahit anong masasarap na pagkaing-pangmayaman ngayon.

“In fairness, ganu’n pa rin siya sa dati. Hindi siya mayabang na porke madatung na talaga siya ngayon, e, hindi na siya kakain ng mga nakasanayan niya. Hindi siya ganu’n, wala siyang pagpapanggap. Kung saan siya masaya, kumportable at ginagana­hang kumain, ‘yun pa rin ang kinakain niya hanggang ngayon.

“Ang dami-daming artista d’yan na nu’ng yumaman na, e, parang hindi na nila kilala ang mga dating putaheng kinakain nila! Pero ang sikat at super-yaman ng becking ito, ‘yun pa ring mga dating food ang paborito niyang kainin up to now.

“Magana pa rin siyang lumafang, pero nababawasan na niya kahit paano, kailangang niya kasing i-maintain ang weight niya na kailangan dahil sa mga concert na ginagawa niya. Mahihirapan siyang kumanta kapag super-syuba siya!” pagtatapos ng aming source.

Gretchen kayang panindigan ang pagyayabang

Kung ang tingin man ng iba ay sobrang mayabang si Gretchen Barretto dahil sa pamamahagi niya ng mga branded na kagamitan ay kaya niya namang panindigan ang kanyang pagyayabang.

Dalawa-singko lang para kay Gretchen ang pinapangarap na bran­ded bags at sapatos ng iba, napakarami niyang koleksiyon, umaapaw ‘yun sa kanyang mga taguan.
Naalala tuloy namin ang kuwento nu’ng magpagamot sa Amerika ang kanyang partner na si Tony “Boy” Cojuangco. Natural, nandu’n si Gretchen, kasama ang kanilang anak na si Dominique.

Sabi ng aming kaibigang nagtatrabaho sa ospital, “Grabe ang mga stuff ni Gretchen, puro LV talaga, walang halong local! Di ba, iniiwasan ng mga nagbibiyahe ang mga maletang LV dahil sobrang bigat?

“Wala silang binatbat kay Gretchen, puro LV ang luggage na nakita namin sa room ni Mr. Cojuangco! Pati sa CR, puro LV rin ang mga towels nila, ang hospital blankets, pinapatungan din nila ng kumot na LV! Kung susumahin mo ang halaga nu’n, e, kayamanan na ng ibang tao na meron din namang pambili!” kuwento ng aming kaibigang nurse.

Kaya kering-keri ng aktres ang pamimigay ng mga branded stuff, hindi ‘yun pag­yayabang at pagpapa­kitang-tao lang, aalma talaga si Gretchen Barretto kapag ganu’n ang ibinatong pag­husga sa kanya.