Abante Tonite Interactive

Sikat na broadcaster may surrogate twins

510

Matapos ang mahabang taon na pagsasama, magkakaroon na rin ng tsikiting ang super couple sa bansa.

At hindi lang isa, kundi dalawang baby ang inaa­sahan ng mag-asawa pagsapit ng love month, ayon sa impormasyong nakalap ng TONITE.

Ang nakakabigla dito, hindi naman nakitang nagbuntis si misis.

Ang nangyari pala, idinaan ng mag-asawa sa surrogacy ang pagkakaroon ng baby kung saan ang semilya ng ama at ina ang ginamit para mabuo ang baby sa surrogate mother.

Noong nakaraang taon pa umano ginawa ang proseso at walong buwan na ang tiyan ng surrogate mother.

Ang ama ay kila­lang politiko sa bansa na nagkaroon na rin ng anak sa naunang komplikadong relasyon.

Sikat din na perso­nalidad ang asawa nito na nakilala sa broadcast industry pero dahil sa kanyang edad ay hindi na kayang magdalantao.

Clue: May letrang M sa pangalan ng politiko habang may S naman sa pangalan ng kanyang asawa.