Abante Tonite Interactive

Sikat na cager, inaakit ng sexy reporter

1,220

Maluluma ang kalibre ng tinaguriang matinding depensa na ipinamalas ni PBA ‘Living Legend’ Robert Jaworski sa misis ng isang aktibong player dahil sa malagkit at napakatinding pagbabantay nito sa kanyang mister.

Daig pa ng misis ng kontrobersiyal na player ang matinding pagbabantay at pagguguwardiya sa kanyang mister dahil na rin sa pagnanais nitong maisalba ang kanilang pagsasama.

Kung maaari lamang ay ayaw na ni misis na mahiwalay kahit isang segundo lamang sa kanyang mister dahil naman ito sa isang kontrobersiyal din na personahe na siyang sanhi kung bakit ito bantay-Jaworski.

Ito ay dahil minsan na nahawakan ni misis ang celfone ni player ay nabuking nito ang pagpapadala ng mga kaakit-akit at nakakapagpainit na litrato ng kontrobersiyal na personahe.

Sobrang pagti­timpi ng magandang misis ni player dahil sa pagnanais nitong mapanatiling maayos ang kanilang relasyon subalit nagbanta ito na ilalantad ang mga ipinapadalang nakabuyangyang na litrato ng kontrobersiyal na personahe kung hindi nito titigilan ang isinasagawang pang-aakit.