Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sikat na celeb napahiya sa upak

0 820

Mahirap talagang makipaglaban sa multo. Parang ang pandemya ngayon, nanglilipol ito ng buhay, pero hindi naman nakikita.

Ganu’n ang nangyari sa isang kilalang personalidad na dahil siguro sa sobrang depresyon ay post nang post tungkol sa nakaraan nila ng isang pamosong female personality.

Kuwento ng aming source, “Kuda siya nang kuda, kung sinu-sinong tao ang inuupakan niya, lalo na ang isang sikat na becki personality na hindi naman siya inaano!

“Ano ang ginawa nu’ng becki? Deadma! Sobrang malaking kahihiyan ‘yun para sa kuda nang kudang personalidad dahil hindi siya pinatulan nu’ng becki, sayang nga lang naman kasi ang laway at panahon niya!” umpisang komento ng aming impormante.

Lalo namang walang napalang kahit katiting na atensiyon ang personalidad na daldal nang daldal mula sa isang dati niyang karelasyon. Double deadma lang ang aktres sa kanyang mga kuda.

Patuloy ng aming source, “Nakakaawa naman siya, palaging deadma lang ang mga taong pinupuntirya niya! Kahit kapirasong sagot, walang ibinalik sa kanya.

“Inaatake kasi siya ng depression, hindi na niya alam ang gagawin dahil hanggang ngayon, e, hindi pa rin matanggap ng pamilya niya ang napakalaking pagbabago ng pagkatao niya.

“Siya na mismo ang nagsasabi na mabuti pa ang ibang tao at tanggap na kung sino siya, pero ang pamilya niya, e, no way, highway!

“Mas magandang manahimik na lang kasi siya, kasi, hindi naman siya pinapatulan ng mga taong binubulabog niya, e! Kuda siya nang kuda, kung anu-ano ang pinagsasasabi niya, wala namang panahon ang mga taong ‘yun para pansinin siya!

“Kung gusto niyang dumami ang mga followers niya, e, huwag sa ganu’ng paraan. Huwag siyang umuupak, huwag siyang namimintas, dahil deadmatology lang naman ang mga inaaway niya!

“Manahimik na lang siya!” pagtatapos ng impormante naming nakataas ang kilay.

Related Posts

-o0o-

Sheryl naghamon ng demanda

Maraming nam-bash kay Sheryl Cruz nang lumutang ang isang nagpakilalang dating kaibigan niya na may malaking naitulong sa kanyang kandidatura bilang konsehal nu’ng nakaraang halalan.

Ayon sa babaeng nagtago sa pangalang “Alex” ay may pagkakautang daw sa kanya si Sheryl, madalas daw nitong singilin ang aktres, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabayad si Sheryl.

Sumagot na ang aktres, ayon sa kanya ay wala siyang pagkakautang kay Alex, wala siyang alam tungkol sa sinasabi nitong inabonohan nu’ng panahon ng kanyang kampanya, Kung totoo raw ‘yun at meron naman itong ebidensiya ay kasuhan na lang siya.

Winarningan din niya ang mga namba-bash sa kanya, magagamit daw niyang ebidensiya ‘yun para sa asuntong cyber liber at bullying, dahil wala namang alam ang mga umuupak sa kanya tungkol sa tunay na kuwento.

Dahil sa Wanted Sa Radyo ng palabang news anchor na si Raffy Tulfo nagsumbong ang diumano’y pinagkakautangan niya ay may parinig si Sheryl sa kanyang litanya.

Bakit daw merong mga taong hindi naman abogado, hindi naman judge, pero nanghuhusga nang hindi man lang binabalanse ang magkabilang panig tungkol sa isyu.

Nasubaybayan namin ang kontrobersiyang ito, kinuha ng staff ng Wanted Sa Radyo ang komento ni Sheryl pero siya mismo ang nagsabi na ang abogado niya na lang ang makikipagkomunikasyon tungkol sa sumbong laban sa kanya.

Saka hindi inimbitahan ng programa ang nagreklamo, kusa itong nagpunta sa programa para ipaalala ang matagal nang sinisingil diumano sa kanya, sumbungan talaga ng mga kababayan natin si Raffy Tulfo.

Kung walang katotohanan ang bintang ng kaibigan niya ay bakit hindi na lang sila mag-usap? Siya mismo ang magpamukha sa naniningil na wala siyang pagkakautang.

Bakit kasi hindi niya ito sinasagot kapag tinatawagan at itine-text siya? ‘Yun ang dahilan kung bakit nagsumbong na lang ito sa programa ni Raffy Tulfo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.