Abante Tonite Interactive

Sikat na celebrity malakas mag-ecstasy

By
1,236

tonite-no-thanks-cristy-ferminMaigsi lang ang kuwentong ito pero nakakaalarma. Isang mapagkakatiwalaang source ang nakapagsabi sa amin na tinututukan ngayon ng mga otoridad ang isang sikat na sikat na showbiz personality.

Nakarating sa kanila ang impormasyon na ang sikat na personalidad ang nagbibigay ng ecstasy sa mga nakakasama niya sa bar. Malakas daw gumamit ng ecstasy ang sikat na showbiz personality.

Sabi pa ng aming impormante, “Ma­lakas siyang kumuha sa source na minamanmanan na rin namin, palibhasa, marami siyang pambili.”

Hindi na namin babanggitin kung lala­ki ba, babae, o becki ang minamanma­nan ngayon ng mga otoridad, pero sikat na sikat siya.

 

 

Young actress nagpa-inject para ‘di mabuntis

 

Ang tsismis talaga, parang apoy na napakabilis gumapang, hindi nakapagtatago ng lihim ang mga personalidad dahil kilala sila kahit saan.

Ang mga kabataang maaga pa lang ay may alam na sa makamundong karanasan ay gumagamit ng pills para hindi sila magdalantao. Pero ayon sa aming source ay ayaw sa ganu’n ng isang young personality.

Sa halip na pills na nakakasuka raw kapag iniinom ay nagpapa-injection na lang siya para makaiwas sa hindi napapanahong paglobo ng kanyang tiyan.

“‘Yun na ang uso ngayon, injection na, nagpapasaksak sila para hindi sila magbuntis. Ganu’n ang ginagawa ngayon ng isang young actress,” chika pa ng aming source.

Ang nakakabahala lang, baka kung kailan na niya gustong magkaanak ay saka naman hindi ‘yun matupad, dahil sa prosesong pinagdadaanan niya ngayon.

Afraid!

 

Alden bumigay ang katawan

 

 

Iisa lang ang ating katawan. Kapag nawala ay hindi na tayo makakakuha ng kapalit. Kahit sa mga sosyal na pamilihan ay walang ibenebentang panibagong buhay.

Kaya ang payo ng mga dalubhasa, health is wealth, alagaang mabuti ang ating katawan dahil hindi ‘yun nabibili over the counter kapag nawala na.

Bumigay ang katawan ni Alden Richards. Kahit siguro sino ang lumagay sa sapatos ng Pambansang Bae ay ganu’n din ang mararanasan dahil halos wala na siyang tulog at pahinga sa sobrang dami ng kanyang trabaho.

May nakaimbak naman siyang energy, wala rin siyang bisyo, pero nauubos ang ating lakas kapag kinakain na ‘yun ng kakulangan sa tulog at pahinga. Sumusuko ang ating katawan, nanghihina tayo, na nagpapabagsak sa atin.

Paminsan-minsan ay kailangan ding regaluhan ni Alden Richards ang kanyang katawan ng isang masarap na pahinga. ‘Yung kanyang-kanya lang ang maghapon at magdamag, ‘yung wala siyang gagawin kundi ang mag-relax lang, kain-tulog lang.

Sa dami ng kanyang trabaho ngayon ay wala nang ganu’n si Alden, puro trabaho ang nasa kanyang utak sa paggising pa lang niya, magandang maglaan naman sana siya ng panahong kanyang-kanya lang.

Katwiran ng mga artista ay kailangan nilang samantalahin ang pagkakataon habang mainit na mainit pa sila. Kapag tumamlay na raw kasi ang kanilang karera ay lalayo na ang mga alok at trabaho.

Maling katwiran. Masarap kumita, pero kailangang balanse ang lahat, habang kumikita sila ay dapat din nilang bigyan ng pagpapahalaga ang kanilang katawan.

Nand’yan lang ang trabaho pero kapag ang katawan na ang sumuko ay mababalewala ang lahat. No health, no wealth.